Special Chapter

414 165 28
                                    

"Teacher, oh! Ang baboy ni Ivana."


Sumbong ni Dionne sa akin. I saw Ivana eating like a wanton. Isinubo niya ang malaking portion ng lettuce na may lamang beef strip. 


"Ngaga. Ganiho talga mahsamhyup." Rason niya habang ngumunguyang puno ang bibig.


"Oh, halanga?" Pangungong gaya nito kay Ivana. Disgusted siyang napangiwi. At pa-demure na lang na kumain.


Napakamapagkunwari talaga nito. Nagpapa-impress lang doon sa ex nitong nakabalik na ng bansa at nagkataong naroon sa loob ng cafe, kumakain kasama ang mga kaibigan nito.


Kompleto kaming lahat. Kasama din namin si Shaza. Sayang nga at hindi isinama si Kuya Saul at si Bhabes, yong 7 years old nilang chikiting. 


Samantalang si Cleofe, buntis ulit. Anong sabi nong "AYOKONG MANGANAK!" declaration niya noon nang makita niya kung paanong nahirapan sa panganganak si Shaza. Heto at buntis na naman. Sa pangalawa niyang anak! Seryoso? Siya na very concious sa katawan?


"Ikaw, kailan mo balak magbuntis? Paexpire na 'yang ovary mo." Komento ni Cleofe sa akin.


"Huwag mong minamadali. May hinihintay 'yan."


"Hindiiiiiiii na babalik. Hindiiii na babali- aw!" Pakantang pang-aasar niya.


Kinatok ko siya sa likod ng ulo. "Alam ko. Huwag kang spoiler!"


"Alam daw. Pero pag nalasing... Hinahanap-hanap kitaaaa....aaaahhh." Pakantang pambubuska ni Dionne. Hindi naman ako naglalasing. Noon siguro. Pero hindi na noong na-realize kong walang magandang dulot sa katawan ang paglalasing.

"Wow. Nagsalita ang may hinahanap-hanap din." Ganting asar ni Shaza para sa akin.
Natawa na lang ako sa kakulitan nila.


Parang kailan lang noong sinabi kong ayokong ma-involve sa mga tulad nila. Ngayon, sanggang dikit na. Halos di na kami naghihiwa-hiwalay.


God must have allowed those things to happen so we could all be here, celebrating. But I am so grateful na hindi lang isang kaibigan ang dumating, madami. God indeed has a purpose for everything. Nawala man si Joya, dumating naman sila. 


So, I'm okay with it. I surrendered everything to God. Especially those things I have no control over. That includes Joya's case and my parents. Hindi ko man sila nakilala at nakasamang lumaki, I thank God for allowing them to bring me into this world.


"Kahit gaano ka pa ka-nice kumain, kung iniwan ka, iniwan ka." Pang-aasar ni Jem kay Dionne.


"Ako lang ba ang iniwan? Di ba pati si Ivana?" Pandadamay nito kay Ivana na inaabala ang sarili sa paglamon.


"Nananahimik na nga oh. Ba't kailangang ipaalala? Move on na ako." Saad ni Ivana na nakalabi.


"At least ako hindi na naghahabol at umaasa. Ikaw?" Balik nito kay Dionne.


Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon