Kabanata 36

394 176 27
                                    

Kapwa kami tahimik ni Paco sa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat ako samantalang siya naman ay nasa backseat.


Ivana is driving her car habang sinasabayan ang isang awiting hindi pamilyar sa akin. Mahina lang iyon but enough for us to hear.


Hindi ko sinagot ang tanong niya kanina tungkol sa nadatnan niyang pinagtatalunan namin ni Paco. She just shrugged it off and looked at me like it's a secret she'll keep.


"Ang ganda ng kotse mo, ate. Mukhang bago." Paco commented, breaking the silence.


Ate? Bakit si Ivana tinatawag niyang ate? Samantalang ako, hindi? Bias. Tsk! Napaismid ako.


"Brand new. Galing sa ka-fling ko."


Napamaang ako at napalingon sa kanya. Seryoso? Regalo lang 'to? Wow, ha! Mga magkano kaya 'to?


According to her, the car is a Lexus ES 350 in Sonic Quartz. Malamang milyones ang halaga nito. It's a luxurious car anyway.


"Galing sa fling mo lang 'yong ganito?"


"Yeah." Balewalang sagot niya. "Kaya kung ako sa'yo, kung magjojowa ka, 'yong mayaman. May pakotse na, may pabahay pa."


Jowa? Di ba dapat asawa na kung ang usapan ay bahay at kotse na? Iba talaga si Ivana.


"Ate, huwag mo namang ibugaw sa iba. Akala ko approved na ako sa inyo?" Singit ni Paco.


"Oo naman. Pero siya pa din masusunod."


"Kaunting push pa ate, malapit na." Dagdag pa ni Paco.


"Malapit nang sumuko?"

"Malapit nang mapa-oo." Sagot ni Paco with conviction.


"Ilang weeks na, ah. Ang hina naman ng bunso namin." Pasaring ni Ivana rito.


"Ang hirap i-please, ate. Ang manhid pa. Baka nga pati gayuma di rin tumalab." Reklamo ni Paco.


Natatawa na lang si Ivana sa takbo ng usapan nila. Pabaling-baling lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko masundan ang topic nila. I feel out of place. Magulo sila. Sino bang tinutukoy nila?


"Pag di madaan sa santong dasalan, daanin mo na sa santong paspasan." Suhestiyon ni Ivana rito.


"Pakasalan ko na ba agad?" Clueless na tanong ni Paco.


"Ang hina talaga. Buntisin mo para sure." Natatawang sagot ni Ivana.

"Ate naman. Di pa kami ready sa gano'n." Natatawa ding kontra nito sa suhestiyon ni Ivana.

Mas lalo lang lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Anong pakasalan? Buntisin? What the hell?


"Kung ano-anong tinuturo mo sa bata." Sita ko kay Ivana.


"Lol. Bata? Makakagawa na nga ng bata yan. He's turning 21. Legal na. Pwede nang gumawa ng kahalayan."


"Shut it, Ivana. Huwag mong turuan ng kamanyakan mo." Naiinis kong saad. Thinking of Paco doing things like that with some random girls pissed me off. Hindi ko alam kung bakit. Pero nakakainis!


"Yes, Teacher." Pang-aasar ni Ivana. Tinignan ko siya nang matalim bago lumingon kay Paco sa likod.


"Pag nalaman kong gumawa ka ng milagro, lagot ka sa akin." Banta ko sa kanya.


Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon