Kabanata 22

486 187 18
                                    

"Ako na'ng bahala. Pwede na kayong umuwi." Pagtataboy ko sa kanila nang makarating kami sa boarding house.


Si Jem ay kanina pa sa ospital nagpaalam dahil may trabaho pang tatapusin. She's getting busier these days. Ganoon yata talaga sa corporate world. Nag-asawa ng mayamang businessman eh.

While Cleofe on the other hand will be meeting a talent scout for her modeling career. Ewan ko kung tatanggapin na niya ang iniaalok sa kanya. All I know is that she's contemplating also joining Miss U. She will be representing her province if ever.


"Wow naman! Pagkatapos ka naming bantayan ng tatlong araw, ganyan na lang?"
Sumbat ni Ivana.

"Walang pa-meryenda? Pa-thank you man lang para sa eyebags kong naglamay." Dagdag pa niya.


"Kakahiya naman sa eyebags mong tinulugan lang ako sa loob ng dalawang gabi." Reklamo ni Dionne.

"Paanong di kita tutulugan, kung ano-anong nilalang na out of this world ang nikikita mo at kwinekwento mo?"

"Sa multo takot ka, pero sa karma hindi?"

"Gurl, huli ka na ng balita. Bff kami ni karma."

"Ah, ganon. Sige, do'n ka kay karma. Tignan natin kung damayan ka niyan 'pag may problema ka." Napasandal ako sa sofa at napapikit. Ang dami nilang satsat. Wala silang referee ngayon.


"Fine. You can stay. Feel at home." I said, surrendering from their whims.

"Hey, Connor! Come here! Kwentuhan muna tayo dito." Napadilat ako para tignan kung sino ang tinatawag niya.


"Bakit yong hey, Connor mo parang ang landi ng dating." Pabulong na komento ni Dionne kay Ivana.

"That's my natural bedroom voice. Huwag ka na magtaka."

I saw that man again na nasa hospital room din kanina. What is he doing here? Akmang pipihitin na niya ang doorknob ng silid na inokupa ng isang  boarder noon. Now, it's vacant. Ako na lang ang naiwan sa bahay na ito, as usual.

People here come and go. Ako lang ang naiiwan at nananatili. Mula noon hanggang ngayon.

"Sure. May kukunin lang ako sa loob." Nakangiting pagpayag nito.

"Who is he?" Curious kong tanong lalo na nang pumasok siya sa dating silid ng isang boarder na hindi ko man lang natandaan ang pangalan at lumabas dala-dala ang isang acoustic guitar.

"Hero mo. Siya ang nagdala sa'yo sa ospital." Magtatanong pa sana ako pero naunahan na ako ni Ivana.


"So, you play the guitar, huh?"
Tanong niya sa lalaking tinawag niyang Connor na nakabalik na at palapit na sa amin.


"Yep. Mahilig ako sa music." Aniya bago tinanggap ang offer ni Ivana na maupo sa sofa. Ang kaso nasa kabilang side lang ako kaya nasa gitna namin siya. Though medyo maluwang pa naman ang space. Pero nakaharap siya sa akin dahil ang uluhan ng gitara ay nasa side ni Ivana.


"Ah kaya pala. Si Ivana kasi mahilig sa lalaki. That's why she plays with men." Malutong na tawa ang isinabay ni Dionne sa conclusion niya.

"At ikaw? Mahilig sa past? Kaya 'di maka-move on?" Ganti naman ni Ivana na ikinabusangot ng mukha nito.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumasok sa silid na 'yon?" Turo ko sa pintuang pinanggalingan nito.

Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon