How should I describe him?
Magsimula tayo sa damit. Nakacheckered long sleeve, denim pants, partnered with white sneakers. Ewan kung anong brand. Wala akong paki.
May suot na gold watch. Nasa 5'9".
Mukha namang nakatira dito sa earth. May hitsura kahit papaano. Maputi din. Average.Okay lang. Nothing extraordinary. Hindi siya yong tipong nakakastar-struck.
Overall. Hindi ko siya type.
Hindi ko siya type para kay Joya.
He has this aura like he's hiding something. Pinapagana ko 'yong sixth sense ko. When I look at him in the eyes nang ipakilala kami ni Joya sa isa't-isa, he avoided my eyes."Nice meeting you, Ladyma. Joya has been telling a lot of stories about you." Saglit lang ang pagtatagpo ng mga mata namin. He diverted his eyes into somewhere else. Gaya ng interior ng bahay at sa ilang mga kasangkapang naroon.
I bet I am more pleasing to look at, than this old house that needs repainting and renovation.
"Oh really! But Joya didn't even bother to tell me something about you, Judas." Ngiting-ngiti pa ako habang nagsasalita. The "maldita" part of me is awake.
Too bad for him."Uh. It's Lucas."
"Oh. Sorry." I made sure I looked apologetic. "I have problems in recalling people's names."
I have this habit wherein I tend to call a strangers' name according to my mood or to the nearest rhyme of the name itself. Or sakit yata ito. Hindi ako sigurado.
Tinabihan ako ni Joya at pasimpleng siniko. "Ayusin mo. Support me or... goodbye ML?" Pabulong niyang saad nang malingat si Judas.
Goodbye ML na lang, bulong ng isip ko.
"Breakfast muna tayo?" Yaya ni Joya kay Judas.
"Sure." Saad ni Judas. Hindi man lang nag-abalang ipaghila ng upuan si Joya bago umupo. I am crossing out the gentleman category on my imaginary list for a perfect boyfriend.
Nakaupo na kami sa pabilog na mesa at nagsimula nang kumain. Si Joya, ngiting-ngiti. Sarap kurutin sa singit. Ang pabebe. Di ko tuloy malunok 'yong kinakain ko. Gusto kong masuka.
I diverted my attention to the guy in front of me. "How old are you again?" I started my made-up impromptu interview.
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
Genel KurguMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...