“DANCE OF MY LIFE”“Why do you love dancing so much?” Silvanna suddenly asked, sa kalagitnaan ng aking pagsasayaw dahilan kung bakit ako natigil at hinarap siya na prenteng nakaupo lamang sa lapag ng practice room dito sa aming studio.
“You? Why do you love singing so much?” balik tanong ko sakanya. Bahagya siyang napangiti sa narinig niyang tanong ko at agad agad naman na sumagot.
“It’s because through singing I can express my feelings, thoughts and emotions. Sa pamamagitan ng pagkanta nailalabas ko ang mga nararamdaman ko. Alam mo yung feeling na parang wala kang problema kapag kumakanta o sumasayaw ka? Ganon ako Vely, sa tuwing kumakanta ako parang ang sarap sa pakiramdam… Also this is my dream, bata palang ako hilig ko na talaga ang pagkanta. Diba ang sarap lang sa pakiramdam na malaya mong nagagawa ang pangarap mo sa buhay? This is the reason why I love singing…so much.” Napangiti ako sa mahaba niyang sinabi.
“Kung ganoon nasagot mo na ang tanong mo sa akin kanina. That is also the reason why I love to dance.” Sabi ko at lumapit sakanya. Inabutan niya naman ako ng isang bote ng mineral water, kinuha ko ito at uminom bago tumabi sakanya sa pag-upo.
“But, you know what Vely? I envy you. Kasi ikaw nakamit mo na ang pangarap mo. Malaya ka ng nakakasayaw sa harap ng maraming tao. You’re already successful, while me? Hanggang ngayon nasa baba pa rin ako, until now the success of my life doesn’t come fully yet, I’m still finding it. I don’t know dahil ba may pumipigil? Kung hindi nga dahil sayo, na bestfriend kita? Baka hindi ako pinapasok dito sa studio niyo.” Tumawa siya matapos niyang sabihin iyon.
Andito kami sa BMB entertainment at kasalukuyan akong nag-eensayo ng pagsasayaw ng bigla siyang dumating. Dahilan niya ay na miss niya lang daw ako kaya siya bumisita. Maski ako ay hindi ko rin inaasahan na papayagan siyang papasukin dito pero ito nga at nandito siya.
Humarap muna ako sa kanya bago nagsalita.
“Don’t say that Silvanna, wala akong karapatan para kainggitan mo. At isa pa, wag na wag mong ibababa ang sarili mo dahil may kanya kanya tayong panahon para makamit ang success natin sa buhay. Maybe not now, but wait and just do your best. Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin nito diba?” Tumango tango naman siya.
“Yes, and you have a point.”
I smiled and talked again. “And for me, hindi ko pa nahahanap ang success ng buhay ko. Para sa akin ikaw ang successful na, Silv. You have already a complete family, suportado na nila ang pagkanta mo at hindi ka na nila hinahadlangan sa pangarap mo sa buhay. While me? Hindi ko alam kung kailan ako matatanggap ng pamilya ko, kung kailan nila matatanggap itong pangarap ko. It’s been a year now, ten years had passed, sa inyo na ako lumaki, kayo na ang nag paaral sa akin. Oo nga at nagparamdan sila one year ago pero hindi ganoon ang gusto ko. Parang wala na silang pakialam sa gusto ko at sa akin. Silvanna this is not the dream I want.” Pumiyok ako sa huling katagang sinabi ko sakanya. I don’t like this kind of scene, kung maaari ay iniiwasan ko ang usapang ganito pero ito kami ngayon at kasalukuyan naming pinag-uusapan.
“I’m sorry Vely, hindi ko gustong humantong sa ganito ang usapan natin. Nagpunta ako dito para kamustahin ka, ilang buwan rin tayong hindi nagkita magmula ng bumalik ako sa Camarines Norte. Just always remember, nandito lang kami nila Mama at suportado ka. Balita ko ay may international show na kayo ngayon? Sa main studio ng BMB sa Spain?” pag-iiba niya ng usapan, mabuti naman at nalihis na kami sa topic na iyon.
“Yes and I heard from our coach that later, I will meet my partner. Lyrical dance kasi ang sasayawin naming namin.” Tumango naman siya at hindi na nagsalita. Maya maya ay pareho kaming napatingin sa cellphone niya ng tumunog ito. Unti unting nanlaki ang mga mata niya.
“Vely I have to go. May kanta pa pala ako. Goodbye na, kita nalang tayo mamaya sa condo mo.” Nagbeso siya sa akin bago nagmamadaling umalis. Sabi niya kasi ay kinuha siya ng isang business women na kakanta sa kasal nito.
Ngayon, ako nalang ang tao sa apat na sulok ng kwartong ito. Napahinga ako ng malalim at lumapit sa speaker para patugtugin ang kantang sasayawin ko ngayon. Habang intro palang ay pumunta na ako sa gitna, hinintay ang kantang sasayawin ko at huminga ng malalim sa harap ng salamin.
Nang sandaling marinig ko ang kanta, my body suddenly moved with the beat of the song. Magmula noong narinig ko ang kantang ito, something came up to my mind that I should dance, na ito ang magiging daan para mailabas ko lahat ng nararamdaman ko, sa pamamagitan ng pagsasayaw. Since then, the song become my favorite. This song titled, Keep on Dancing from one of the Barbie movies. The lyrics of the song makes warmth in my heart, it keeps inspiring me that I should not stop dreaming, that I should not stop fighting for my dreams.
I make a round movement and lift up my right foot high and straight kasabay ng pagtaas ng dalawa kong kamay sa ere habang umiikot pa rin. This kind of move means that every challenges I will face, hindi man ako kayang tanggapin ng sarili kong pamilya. I can prove to them na ang pagsasayaw ay hindi dapat maliitin, hindi ito mababang pangarap lang.
Listen to the beat of your heart,
Keep on dancing
Keep on dancing…
Yeah I will listen to the beat of my heart and no matter what, I will keep on dancing and I will not stop till my family see the real meaning of dance.
Cause dance is who I am….
This is me, dance is my everything, my emotions and my life. For me, dance is not for fame. It’s for your passion and dreams.
Natigil ako sa pagsasayaw ng bahagyang bumukas ang pinto at pumasok si ate Cha. Ang naging coach ko magmula ng makapasok ako dito sa entertainment na ito.
“Vely, be ready. Your partner already arrived.”
Napangiti ako at tumango. “Okay coach.”
Everyone, this is the Dance of my Life.
****
-Sane_Writer
YOU ARE READING
Dance of My Life (Dream Series 1)
General Fiction"Some people say, being successful is when you already achieved and pursued your dreams in life. I already achieved it, but it seems like I'm still unsuccessful." - Verina DANCE OF MY LIFE Published Date: June 11, 2020 Status: Ongoing Series Genre:...