CHAPTER 24
Genre
"Hey, Vely. We will go to our art gallery today. Do you want to come? Wala kang kasama ngayon dito." I stopped brushing for a while when I heard my Mom entered in my art room.
"Asan po si ate, Mom?" Tanong ko naman. Nagkibit balikat ito sa akin.
"Don't know, probably busy dancing somewhere." Walang emosyon niyang sinabi at umiwas siya ng tingin sa akin saglit pero muling sinalubong ang mga mata ko. "Anyways, ano? Gusto mong sumama? You can roam around the place. See a lot of paintings in there." She added.
Saglit naman akong nagisip sa gusto ni Mom.
My Mom's request is tempting, ngayon niya lang ako inalok na sumama sa art gallery nila. I will come if I really love paintings. Well, I like it though but right now, I want to do something different.
I shook my head at my Mom and smiled to hid my real feelings right now. "Hindi na po muna Mom, I need to finish my project first." I said at itinuro ko pa ang ginagawa kong painting ngayon. To convince her more na wala akong choice para hindi sumama.
Lumapit naman siya sa akin at sinulyapan ang ginagawa ko na hanggang ngayon ay mata palang ang nabubuo. Kanina ko pa ito nasimulan pero ilang oras na ako dito ay iyan palang ang nagagawa ko.
She sighed and glance at me. "Okay, if that's what you want." Umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang kaliwang pisngi ko. "Keep up the good work, Vely." She murmured and smiled sweetly at me. Tipid lang akong ngumiti at tumango.
"Take care, Mom." I said. She kissed my cheeks first bago ako iniwan sa kuwarto.
Ilang minuto pa akong nakatulala sa canvas bago muling kinuha ang brush na hawak ko kanina.
Sinubukan kong ipagpatuloy ang portrait na ginagawa ko pero hindi ko na magawang ituloy ito dahil may iba akong iniisip na gawin. It keeps bugging me the whole time I was painting a while ago.
When I heard the sound of a car going away from our house, I put down the paint brush at tumayo sa pagkakaupo. Ngayon ay hindi ko na talaga napigilan.
I was still scared ng andito pa sila Mommy kanina. Baka mahuli pa nila ako sa gagawin ko. Kaya hinintay ko nalang muna na makaalis sila. Ito rin ang dahilan kung bakit tinanggihan ko si Mom na sumama sakanila.
Unti unti akong lumapit sa stereo na nakapatong sa isang cabinet sa gilid at pinindot na ang play button nito.
Lumingon pa ako sa magkabilang gilid ko at sa likod ko bago nagsimulang gumalaw ang katawan ko kasabay ng musika na tumutugtog.
Yes, I am dancing right now. At sinasayaw ko ngayon ang kantang Shine na theme song sa Barbie in The 12 Dancing Princesses. Hilig kasi naming manood ng ganito ni ate noon sa kuwarto niya. Naging busy na nga lang kasi siya sa ballet class niya kaya hindi na kami nakakanood pero alam ko pa ang mga kanta doon.
Kagabi ko pa ito pinapractice at medyo nakabisado ko naman na ang sayaw but I am not sure if I'm doing it right but I don't care. It makes me happy anyway.
“And you dance and you dance
In an endless flow,
In a grace of a perfect design…
This what my sister was talking about, this is the real happiness. I am feeling it right at this moment.
And the whole world will see
When you shine,”
Napatigil ako bigla ng may narinig akong sounds ng pag click ng camera. Mabilis akong lumingon sa pintuan ng makitang bukas iyon. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatingin sa akin si Lolo. His expression right now is unreadable and his lips are now in a grim line.
YOU ARE READING
Dance of My Life (Dream Series 1)
General Fiction"Some people say, being successful is when you already achieved and pursued your dreams in life. I already achieved it, but it seems like I'm still unsuccessful." - Verina DANCE OF MY LIFE Published Date: June 11, 2020 Status: Ongoing Series Genre:...