PERFORMANCE 6

4 0 0
                                    

CHAPTER 6

Mysterious Boy

Some people who leave they love ones behind without notice could have a different reason but the emotions we will feel are just the same.

Pain... and Fear...

Pain because we think they didn't care for us.

Fear because we think they might not come back to us.

And I am seeing that two emotions in Xiah right now. Mas lalo akong nagtaka, bakit ganon nalang ang takot niya? Nagawa na ba ito ni Lexus dati?

She said he left again?

"I don't get it Xiah. What do you mean left again? May sinabi ba siya?" I asked.

Baka kasi naman may business lang o may pinuntahan at babalik din mamaya? Pero bakit ganito nalang siya kung makaiyak?

"He did it before, ate... minsan na siyang umalis ng hindi ko alam kung kailan siya babalik at nalaman ko nalang noong may natanggap akong message niya. 'Take care Xiah. Babalik din ako, sorry...'  At nakatanggap ulit ako ng ganito ngayon ate. Baka matagal nanaman siyang bumalik." Pahayag nito habang umiiyak pa rin.

"Ilang araw noon ang lumipas bago siya nakauwi?" Umupo na ako sa tabi niya.

"Isang buwan ate..." mahina niyang sinabi. Napapikit ako sa narinig ko.

"Where are your parents?" Natanong ko ng maalala ko na parang silang dalawa lang ang nakatira sa condo.

Minsan ng sinabi ni Lexus na umalis ang nanay nila non. Hindi ko alam ang nangyari, tanging yun lang kaya hindi ko alam kung buumalik na ba or what.

"They already passed away ate.... hindi ko na naabutan si Papa, tanging sa picture nalang at si Mama naman saglit ko lang nakasama kaya kami nalang ni kuya ang magkasama ngayon." Ani Xiah habang nakayuko.

So that explains my question kaya parang sila na nga lang dalawa. Maybe, her experience also the reason why she is afraid of getting left behind.

How can Lexus do that to Xiah?

"I'm sorry about that Xiah. Hindi mo ba alam kung saan siya nagpunta? Hindi niya ba sinasabi sayo?"

Umiling ito. "Hindi ate... Nang nakauwi siya noon, sinalubong ko siya ng tanong... na kung saan siya pumunta. Bakit ang tagal niyang nawala. But he just shook his head and hug me. Yun lang… ilang beses ko na siyang pinilit na wag ng gawin ulit yon. Pero ginawa niya pa rin." She said with a bit of disappointment in her voice.

"Maybe, hindi naman magatatagal ang kuya mo. Or baka may tinuruan lang ng sayaw, baka mamaya umuwi na rin. Wag ka na umiyak." Pag-aalo ko sakanya at maranahan ko pang hinagod ang likod niya.

"Siguro nga ate..." sagot niya pero nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang takot, hindi pa rin siya kumbinsido.

"Bakit ka nga pala andito? Wala ka na bang klase?" Pagiiba ko sa usapan.

"Wala na ate… katatapos lang ng klase namin ng matanggap ko ang message ni kuya. Dumiretso ako sa condo nagbabakasaling andoon lang siya pero wala kaya sinubukasn ko sa BMB entertainment para tignan kung nandoon siya. Pero hindi daw po siya pumunta doon mula kaninang umaga." Aniya.

Napansin ko nga kaninang lumabas ako sa room na ginamit ko… sarado ang katapat na practicre room at walang gumagamit.

Lexus where did you exactly go?

"Do you want me to accompany you on the way to your condo?" I requested.

Akala ko ay muling babalik ang sigla niya dahil may sasama sakanya pero umiling lang ulit ito.

Dance of My Life (Dream Series 1) Where stories live. Discover now