PERFORMANCE 18

3 0 0
                                    

CHAPTER 18

Article

"Why are you so obsessed with our friendly date thingy?" I asked him ng nasa loob na kami ng kotse niya.

"Come on, Verina. Friendly date na nga lang ako umaasa." He told me at ngumuso pa siya. I twisted my lips and looked at him ridiculously.

"Whatever." Umismid ako sakanya.

Nakarating naman kami kaagad sa school nila Xiah dahil medyo malapit nalang ito sa mall kung nasaan kami kanina.

At gaya nga ng sinabi ni Xiah, nakaabang na siya sa may gate para sumalubong kaya nakapasok kami kaagad. She informed us on what we are going to perform and since it is a couple dance, the song they’ve chosen will be Perfect by Ed Sheeran.

Minsan ko lamang napanood ang choreography nito kaya hindi ko pa siya gaanong gamay. But since Lexus is a coach, ilang beses na raw niya itong naituro sa mga naging studyante niya noon.

We practiced it for about 20 minutes at mabilis ko namang nakukuha ang steps pero hindi ko pa rin alam kung magagawa ko ba ito ng tama mamaya.

Thinking that Lexus will be my partner makes me nervous.

Right now nasa back stage na kami ng auditorium ng school nila Xiah at hinihintay nalang ang tawag ng host sa amin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Stop feeling nervous Verina. It's just Lexus okay?

"You look nervous Verina, why?" Mariin akong napapikit ng mapansin na ito ni Lexus.

"No, I am not."

"You look like one. Don't be, just follow my lead." Mukhang hindi siya naniniwala at tinapik tapik pa nito ang balikat ko.

"Hindi nga ako kinakabahan." Naiirita kong sinabi, ayaw pa ring aminin na totoo nga.

"Okay, sabi mo eh." And then he chuckled after that.

Hindi ko na siya nasagot ng tinawag na kaming dalawa. Nagulat pa ako ng kinuha ni Lexus ang kamay ko at mariin itong hinawakan habang papaakyat kami sa stage.

Tilian ng mga studyante ang namayani sa buong auditorium ng makaakyat kami sa stage. If you just know our relationship. We're just friends! Umangat ang gilid ng labi ko sa naisip ko. You're being silly now Verina.

Pumuwesto na kaming dalawa ni Lexus sa harap habang hinihintay na mag play ang music.

Nasa magkabilang dulo kami ni Lexus nakatayo at magkatalikod habang bahagyang naglalakad ng instrumental pa lang ang kanta.

"I found a love... for me...

Nagsimula kaming magharap at ilang pulgada nalang ang lapit namin sa isa't isa.

Darling just dive right in...

And follow my lead.

Lexus left hand held my hand while his right pulled my waist hanggang sa nagdikit ang katawan namin. Titig na titig siya sa mga mata ko at hindi ko naman maiiwas ang tingin ko sakanya. Parang napako ako at doon nalang natuon sa dalawang pares ng matang nakatitig sa akin.

Well, I found a girl,

Binitiwan niya ang bewang ko at habang hawak ang isa kong kamay ay inikot niya ako.

Beautiful and sweet,

I never knew you were

the someone waiting for me…

Hinawakan niya ulit ang bewang ko at itinaas ako sa ere. Humawak naman ako sa magkabilang balikat niya. Nakaharap ako sakanya at nakatalikod sa audience.

Dance of My Life (Dream Series 1) Where stories live. Discover now