CHAPTER 21
Grand Finals
Every time people needs to leave or every time I'm left alone. God always sending me a person whom I can be with at my side so I will no longer be alone anymore.
Palaging ganoon mula pa noong suungin ko na ang hamon ng buhay. Mula pa noong sinunod ko na ang isinisigaw ng puso ko at sumalungat sa mga magulang ko.
Pagkaalis ko noon sa bahay, nawalay ako sa pamiya ko pero nakilala ko ang pamilya ni Silv.
Pagtapak ko dito sa Manila para sumabak sa dance competition, kinailangang umuwi ni Silvanna pero nakilala ko sila Lexus.
At ngayong wala na ako sa condo nila Lexus, nakilala ko naman si ate Cha.
"You're stunning gorgeous now Verina! Pano na iyan kapag suot mo na ang dress na pang sayaw mo?"
Ngumiti lang ako sa sinabi ni ate Cha. Sa loob ng isang linggo na nandito ako sa pinauupahan nilang apartment palagi niya akong nilalapitan at kinakausap. Napansin ko sa sarili ko na mabilis akong ma-attach sa mga taong lumalapit sa akin, pero hindii naman lahat. Iyong mga taong nakakagaanan ko lang ng loob.
And maybe kaya napalapit din ako kay ate Cha because she reminds me of my late sister. Magkahawig sila ng personality.
"Perfect!" She said and clapped her hands while staring at me. Katatapos niya lang lagyan ng lip tint ang labi ko.
Yes, she's doing my make up because this is now the day of the grand finals. Ang totoo niyan ay ayaw ko naman na talagang magpalagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ko rin naman ito ginagawa noong mga nakaraang round pero pinilit niya ako. Sabi niya ay mas magiging maganda ang performance ko at mas iboboto ng masa.
"Is it okay now?" I asked her while looking at myself in the mirror. It feels like I am not the person whom I am seeing now.
Bumaling ako sakanya at binigyan niya lang ako ng thumbs up. "Thank you ate Cha."
"Walang anuman. O siya, magaayos na rin ako. Pero, kahit pareho tayo ng tungo kailangan mo ng mauna baka mahuli ka pa. Gora na!" Ani niya habang tinutulungan na ako sa pagbitbit ng mga gagamitin kong mga pintura sa pagsasayaw.
Nang makalabas kami ay pumara na kaagad kami ng taxi. Nang makapasok ako ay sumilip pa siya sa bintana ng sasakyan.
"Goodluck, Verina. Alam kong ikaw na ang maguuwi ng price! At makakakuha ng title na unang babaeng dancer ng BMB entertainment! Galingan mo ah?" Natahimik ako saglit pero ngumiti rin.
"Salamat, but I am not sure if I'm going to win. We can't say that now ate Cha." I said to her, still smiling.
Boto ng masa ang pagbabasehan kung sino ang mananalo sa Baile Show. Mataas ang score ko noon pero hindi na ako maghahangad na mangyayari pa ito ngayon, after the spread of the article. People might change their mind now.
"Still trust in yourself Verina, you can do it." Huling sinabi niya bago ako nakaalis.
Pagkarating ko roon, dumiretso na ako sa dressing room. I was thirty minutes early, sadyang nag exaggerate lang si ate Cha kanina na mahuhuli na ako. Kaya hindi na ako nagulat ng ako pa lang ang nandoon.
Nagbihis at nagayos na rin naman ako kaagad para hindi na ako maghabol mamaya. Tinitigan ko pa muna saglit ang damit na isusuot ko para sa performance ko mamaya bago ko ito isinuot. I really can't believe na ang sinukat kong damit na napili ni Alexis ay para pala sa akin? It seems like si Lexus ang may pakana noon. Sadya ba ang paglapit sa akin nooon ni Alexis? Para sa kaibigan niya?
YOU ARE READING
Dance of My Life (Dream Series 1)
General Fiction"Some people say, being successful is when you already achieved and pursued your dreams in life. I already achieved it, but it seems like I'm still unsuccessful." - Verina DANCE OF MY LIFE Published Date: June 11, 2020 Status: Ongoing Series Genre:...