PERFORMANCE 15

1 0 0
                                    

CHAPTER 15

Save

"Your dreams will only drag you down! Walang maidudulot na maganda yan sa buhay mo Verina!” Napapitlag ako sa biglaang sigaw ni Mommy habang may galit na galit na tingin sa akin. She never looked at me like that before.

"Why not just pursue painting? We have an art gallery. We can help you become a successful woman." Dagdag ni Dad na kinakalma si Mommy.

"But Mom, that's not the success I want. Dito po ako masaya. Bakit hindi niyo ako matanggap?"

Mommy held her forehead na paramg sumasakit ito at pumikit ng mariin.

"We are only worried about you, think about your sister, her dreams ruined her! Her dreams took her away from us! Including your grandfather!"  Si Daddy ang nagsalita.

"Dad! Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi kasalanan iyon ng passion ni ate? Dad we got into an accident! Our car hit by a truck! Please don't blame our dreams." Pumiyok ang boses ko dahil sa sobrang iyak. Pinaalala na naman nila ang nangyari noon, pinaalala na naman nila.

"Kung hindi dahil sa laban ng ate mo noon ng Ballet Dance na yan, mananatili lang kayo dito sa bahay at hindi sasakay ng kotse na iyon ng ganoong oras! So it is because of that passion, yang sayaw sayaw na iyan kaya namatay ang ate at lolo mo!" pagiit pa ni Mommy.

Tanging iling nalang ang nagawa ko sakanila. They are only finding something to blame, kahit anong sabihin nila kasalanan iyon ng truck na bumunggo sa amin hindi ang pangarap ni ate, hindi ang pangarap ko.

"Come on Vely, just continue studying fine arts hmmn? Stop dancing anymore, na muntik ka na ring ipahamak. Please?" Mommy said while her tears are starting to fall down on her cheeks.

"I already dropped out in that art school Mom… Dad." Mahina kong sabi sakanila at yumuko, iniiwasan ang mga mata nila.

"What!?" My Mom said in a shocked tone.

"Yes Mom, you heard it right, I dropped out yesterday and I will continue dancing. Mag aaral po ako ng saya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng isang malakas na sampal ang natamo ko galing kay Mommy.

"If you decided your life on your own then get out of this house! We don't have a daughter like you!" Hindi ako makapaniwala sa ginawa at sinabi niya.

"M-mom,"

"Get out! Pack your clothes and get out of this house. Bumalik ka lang kapag may ipagmamalaki ka na!"

**

"Verina? Hey! Verina wake up!" Napabalikwas ako ng bangon ng magising ako mula sa panaginip ko.

I held my face when I felt that I have a few tears, pinunasan ko ito at nilingon si Lexus na nakaluhod sa sahig.

He is looking at me worriedly.

"Are you okay? I was in the balcony when I heard your cries. Nananaginip ka."

Hindi ko siya sinagot imbis ay tumango lang sakanya. Magmula ng magparamdam ulit ang mga magulang ko sa pamamagitan ng sulat nila, ilang araw ko na itong pinagiisipan ng malalim.

Kung pupunta ba ako sa ibinigay nilang address o hindi. Medyo malayo ito dito sa Pasay at ang araw na nakalagay doon ay ang araw kung saan gaganapin ang next round ng Baile Show. Which is ngayon araw na iyon.

Dance of My Life (Dream Series 1) Where stories live. Discover now