CHAPTER 23
Passion
Flashback ten years ago...
Smell of fresh acrylic paint, sound of the brushes in every stroke in a canvas, different colors in the palette, and a beautiful model in front. Little did you know it can create masterpiece that can preserve for a lifetime.
“Hey sis! Bakit hindi ka pa nagsisimula? Nakakangawit kaya you know?” napatingin ako kay ate na nakaupo sa may balcony namin while she is holding a bunch of sunflower.
Nakakunot na ang noo niya na nakatingin sa akin kaya nginitian ko naman siya.
“Sorry, hindi ko kasi alam kung maganda ba ang kalalabasan nitong gagawin ko.”
I am practicing to paint a portrait and she volunteered to be my model. Sabi niya hindi naman siya makaka ensayo ngayon ng sayaw dahil papahinga daw muna siya.
“Wag mo muna kasing isipin ang kalalabasan. Trust me, kapag naumpisaham mo na yan, tuloy tuloy na. And besides, isn’t your model beautiful?” aniya at ngumuso pa siya sa akin. Nagpapa-cute.
“Yeah, yeah. Whatever you say ate. Wag ka ng gagalaw, magsisimula na ako.” after I say that, pinahid ko na sa paint ang brush ko at sinimulan na ang pag stroke sa canvas.
All my life puro paint, canvas and paintbrushes lang ang kaharap ko. Magmula ng magka-isip ako ito na ang pinagawa sa akin nila mommy at daddy. Pero hanggang ngayon parang hindi pa rin ako masaya.
Suportado naman ako ng kapatid ko at pamilya ko. Well, lahat naman ng ginagawa ko suportado nila. But I feel like painting is not my style.
I tried really hard pero everytime na makikita ko ang painting na natapos ko, I am not satisfied and I am not happy.
Unlike ate Lina, every time na makikita ko siya na nagsasayaw, she’s smiling widely like dancing is her life. Sa bawat galaw ng katawan niya na sumasabay sa ritmo ng kanta may nabubuong storya.
She's a ballet dancer.
Pero hindi gusto ng pamilya namin ang passion ni ate sa pagsasayaw. Wala naman akong nakikitang mali doon, gusto ko nga ring subukan iyon pero natatakot ako sa pamilya ko, natatakot ako na ma-dismaya ko sila. They are very strict parents.
May pinagawa naman na practice room sakanya na may full length and wide mirror kaya lang sila ate at Lolo lang ang nakakaalam kung saan ito matatagpuan dahil nakatago. Hindi ko pa rin ito napupuntahan, tanging si ate lang ang nagsabi sa akin na mayroon siyang practice room. At ang sabi raw ni Lolo sakanya ay pinagawa ito nila Mom.
Hindi nila gusto ang passion ni ate pero sinusuportahan nila siya, kaya lang patago ito. At hindi ko alam kung bakit.
"Verina, how's your school today?" Mommy asked ng nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Sama sama kaming nasa hapag ngayon.
Just usual, puro paintings, canvas at brushes ang nakikita ko. "Okay lang naman po." Tipid kong sagot. Iba sa naiisip kanina.
"Your teacher sent us the pictures of your artwork today. It is pretty and amazing, right, Dad?" Mom said and glance Daddy beside her.
He nodded. "Yes! Pwede ng ilagay sa exhibit natin." Ngumiti lang ako kay Daddy. We have our own art gallery here in Philippines, maraming branches ito at ang nagpapatakbo nito ay si Lola at tumutulong lang si Lolo at ang parents namin ni Ate.
Our grandmother inherited it from her parents at ngayon ay siya pa rin ang nagpapatakbo nito.
Bumaling ako kay ate na nasa tabi ko. Tahimik lang naman itong nagpapatuloy sa pagkain.
YOU ARE READING
Dance of My Life (Dream Series 1)
General Fiction"Some people say, being successful is when you already achieved and pursued your dreams in life. I already achieved it, but it seems like I'm still unsuccessful." - Verina DANCE OF MY LIFE Published Date: June 11, 2020 Status: Ongoing Series Genre:...