MIGUEL'S RESTAURANT
" ONE MONTH LATER "
Umaga( 8:00 AM )Kakabukas lang ng restaurant.
Dumiretso na kaagad sa cooking area si Claire at kagaya ng madalas niyang gawin ay tumutulong siyang magluto at doon.Habang nag gigisa siya ng bawang at sibuyas ay bigla nalang kumulo ang sikmura niya,patakbong tinungo niya ang kalapit na banyo at doon nagduduwal subalit wala namang may lumalabas.
Kaagad namang lumapit ang mga trabahador niya sa kanya.Ma'am ayos lang po ba kayo?tanong ng isang nag aalalang tagaluto.
Ok lang ako!Sagot niya.
Pahinga nalang po mona kayo ma'am.Saad pa nito.
Tumango na lamang siya.
Naupo na muna siya sa counter kung saan naroon si Abby,sumama kasi bigla pakiramdam niya.
Oh ma'am Claire ayos lang poba kayo?
Bakit parang namumutla po kayo?Takang tanong ni Abby ng mapansin siya.Medyo nahihilo lang ako at nasusuka.Sagot niya.
Naku,magpahinga po mona kayo baka po makasama lalo sainyo ang magtrabaho!Kaya naman po namin dito eh.Pag aalala ni Abby.
Tumango tango na lamang siya at dahil wala naman siyang magawang maayos ay nagdesisyon na lamang siyang umuwi.
Pagkarating ng bahay ay napansin kaagad siya ng inang nasa sala habang nanonood ng TV.
Oh anak,napauwi ka?Mayroon kabang nakalimutan?Takang tanong nito.
Hindi po nay medyo masama pakiramdam ko eh,kanina pa ho kasi ako nahihilo at nasusuka.Sagot niya habang sapo ang sariling noo.
Tumayo ito at lumapit sa kanya sabay dinama ang noo at leeg niya.
Hindi ka naman mainit.Saad nito sabay natahimik.
kinabahan siya sa sunod na inasal nito.
Kinuha nito ang isang kamay niya at pinulsuhan siya.
Maya maya pa ay nakatanga itong napatingin sa kanya.Bakit nay?Takang tanong niya sa ina.
Kailan ka huling dinatnan?Biglang tanong nito.
Na delay ako ng isang buwan tsaka hindi pa ako nagkakaroon ngayong buwan.Sagot niya naman.
Anak mabuti pa magpa check up na tayo para sigurado.Aya nito sa kanya.
Sigurado po saan?Naguguluhang tanong niya.
Kahit naguguluhan ay pinagmaneho niya ang ina at nagtungo sila sa kilala nilang doctor.
Nagulat sila pareho ng lumabas ang resulta.
Congratulations Miss.Ramirez you are six weeks pregnant.Nakangiting saad ni Doc Miranda.
Nagkatinginan sila ng kanyang ina sa gulat.
Maya maya pa ay nagpaalam na silang aalis at pagkapasok na ng sasakyan ay kaagad siyang tinanong ng inang naguguluhan.Paano nangyari?Pagkaka alam ko wala kang boyfriend at di kita nakitang lumabas at umuuwi ng hating gabi.Pagtatakang saad nito.
Napahawak naman siya sa sariling noo at nagkwento tungkol sa nangyari sa kanila ni Xander noong araw na nawawala si Miguel.
May halong pagsisisi habang ikinekwento ang nangyayari.Mabuti pa siguro ipaalam mo iyan kay Xander.Suhestyon nito.
Ano?Nay naman!alam niyo namang.Nainis niyang saad na hindi na tinapos ang sasabihin.
Anak kailangan mong gawin ito para sa mga anak mo!
Hindi pwedeng ganito nalang,
Ano yun hahayaan mo nalang na maging bastardo ang mga anak mo,na lumaking walang kinikilalang ama?Muli ay saad nito.
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
General FictionIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...