CHAPTER ONE

649 44 8
                                    

" SOFIA CLAIRE'S POV "

Napakagandang pagmasdan ng mga hinog na palay at napakasarap sa pakiramdam na lahat ng bagay ay pinaghihirapan mona bago makuha ang sarap nito.

Mag aanihan na naman sa susunod na linggo heto't excited na ako.
Nakaupo ako sa may damuhan habang nakangiting tinatanaw parin ang malawak na palayan sa di kalayuan.
Nasa ganung ayos ako ng may tumawag sakin mula sa likuran.

Ate Claire!Halikana uwi nadaw tayo.Tawag ng bunso kong kapatid na si Joshua.

Oo andiyan na.Sagot ko naman sabay tayo't sunod nang naglakad sa mga ito.

Mag dadapit hapon na kung kaya't kinakailangan na naming umuwi upang hindi kame datnan ng dilim sa daan.

Lima kameng magkakapatid at ako ang panganay,tatlong babae at dalawang lalaki.
Lalaki ang sumunod saakin si Ian,nasa 3rd year high school na ito kasunod si Bea na nasa grade 6,Lucy na nasa grade 4 at joshua na nasa grade 2.

Samantala natigil ako sa pag aaral simula ng gumadruate ako ng high school limang taon na ang nakakaraan,sa kadahilanang kapos ang aking mga magulang at hindi kayang tustusan ang lahat ng aming pangangailangan.

Malayo ang agwat ng edad namin ng kapatid kong si Ian ako bente dos ( 22 ) siya naman ay kinse ( 15 ) pitong taon din ang pagitan ng edad namin,
Noon kasi ay nagplano ang mga magulang ko noong bago pa lamang ang mga itong naging mag-asawa na isa lang ang gagawin nilang supling at ako lang dapat iyon ng sa gayon ay maibigay nila ang lahat ng mga pangangailangan ko.
Subalit nang tumuntong ako sa edad na pito ( 7 ) ay di inasahang nagdalang tao muli si nanay at doo'y nagsunod sunod nang isinilang ang iba kopang mga kapatid,hindi naman iyon pinagsisihan ng mga magulang ko,sa halip ay itinuturing pa nilang mga biyaya kameng kanilang mga anak.

Malayo ang paaralang pang kolehiyo mula saamin,kailangan mopang sumakay ng bangkang de motor at pagkababa sa pampang ay sasakay kapa ulit ng trycicle bago tuluyang makarating doon.
Sa makatuwid ay aabutin ng halos dalawang oras ang byahe.

Nagdesisyon akong tumigil nalang sa pag aaral dahil alam kong mahihirapang lalo ang mga magulang ko kapag nagpatuloy pa ako at isa pa gusto ko mapag tapos ng pag aaral ang mga kapatid ko kahit sila nalang mona sa ngayon,tutal nakapag high school naman na ako.

Simula nun ay lagi na akong nasama kila nanay at tatay sa bukid at kahit papanu ay nakakatulong ako sa mga ito.

Masaya ang pamilya namin dahil kahit papanu ay nakakakain kame ng tatlong beses sa isang araw at malaking pasalamat na namin iyon sa itaas.

Nga pala,hindi naman sa nagmamayabang pero heto nanaman ang mga manliligaw kong kahit isa ay wala pang may pumasa.
Hindi naman sa mapili ako sadyang wala pa talaga sa bukabolaryo ko ang makipag relasyon.
Subalit ang kababata kong si Dave ay mukhang sinusubukan ako,hindi raw ito susuko at nakahanda itong maghintay hanggang sa dumating ang araw na handa na ako.
Masayang kasama si Dave,napakapalabiro nito kaya dika maboboring kapag siya ang kausap mo,napakaswerte ng babaeng magiging nobya nito.

Gwapo,matangkad,mabait at napakasipag,medyo sunog ngalang ang kulay ng balat nito dahil palagi itong nakabilad sa arawan,Ito kasi ang naatasan ng kanyang nasa ibang bansang mga magulang na mag asikaso't mapalago ng kanilang medyo may kalakihan ding taniman.

Lumipas pa ang mga araw at sa wakas ay
dumating narin ang araw ng anihan,masaya kame habang tulong tulong sa pag aani.
kameng buong pamilya ang naroon nagkataon din kasing walang pasok ng araw na iyon ang mga kapatid ko.
Marami rami rin ang nakuha namin sa pag aani.
Maganda ang pagtubo ng mga pananim dahil sa magandang panahon.

Mabilis na lumipas ang mga araw buwan at ito nanaman ang buwan ng pagtatanim kailangan ito upang sa susunod na mga buwan ay may maani't makain ulit kami.

My Secret Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon