" XANDER'S POV "Katatapos kolang mag sign ng mga ducuments,nanatili akong nakaupo.
Kasalukuyan akong nasa office ngayon,naiinis na napakamot ako sa ulo at ginulo ang sariling buhok.
Parang nasisiraan na ako ng bait sa kaiisip kay Claire.
Gusto kong malaman kung bakit siya nagpunta ng hongkong para sundan ako.Ano kaya ang pakay niya sakin?May dapat ba akong malaman?Naguguluhan kong isip.
Pinakalma ko ang sarili,total wala naman akong ibang gagawin,napagdesisyonan kong tunguhin ito para tanungin ng sa ganun ay masagot na ang mga katanungan ko.
Nang araw na iyon mismo ay bumyahe ako patungong pampangga.
Hindi ako dapat nakatunganga lang,dapat may gawin ako,kukulitin ko siya hanggang sa sabihin niya sakin ang dahilan ng pagpunta niya sa hongkong at kung bakit ganun nalang ang sinabi niya.Naalala ko ang sinabi nito.Hindi mona kailangang malaman,Wag mo akong isali sa mga kalokohan mo.
Anong ibig niyang sabihin?Parang may mali eh.Sa isip kong patuloy na naguguluhan.
Alas onse ng marating kona ang paroroonan ko.
Nauna kong tinungo ang Miguel's restaurant baka sakaling naroon ito at saktong pagkalabas ko ng sasakyan,nakita ko ang isang pamilyar na kotse malapit sa pinag parkingan ko,ka papark lang din nito at ng makilala kong sino ang nag mamay ari niyon ay ganun nalang ang kaba ko.
Lumabas ito ng sasakyan hinintay kong sumunod si Miguel o kung sino man ang kasama niya,subalit wala akong nakitang lumabas sa kotseng kasama nito dahil nilock na nito iyon.Nakakailang hakbang palang ito ay kaagad akong sumunod sa may likuran nito sabay tinakpan ang bibig nito't hinila papasok sa loob ng kotse ko.
Nagpupumiglas ito mula sa pagkakahawak ko at pilit nagsisigaw.
Nanlaki ang mata nito ng makilala ako saka ko kinuha ang kamay mula sa pagkakatakip sa bibig nito.Ano na naman bang kalokohan to?Singhal nito.
We need to talk.Kalmadong sagot ko.
Wala akong panahon makipag usap sayo.Singhal ulit nito.
Akmang lalabas na sana siya ng kotse ngunit pinigilan ko.
May itatanong lang ako.Seryoso kong saad sabay sara ng pinto,kaagad kong tinungo ang driver set at pinaandar na ang sasakyan.
Saan mopa ba ako balak dalhin?Inis na tanong nito.
Minabuti kong hindi nalang sumagot.
Xander,pwede bang itigil mona tong kalokohan natoh.Gigil na gigil na ito sa inis.
Kalokohan?Patanong iyon.
Hindi ito kalokohan Claire,may gusto lang naman akong itanong sayo.Pagkasaad nun ay binilisan kopa ang pagpapatakbo ng sasakyan.Kung magpapakamatay ka wag mo ako idamay,may mga anak ako.Singhal nito pero halata sa boses ang takot.
Subalit pinanatili kolang ang pagmamaneho ng mabilis.
Dinala ko ito sa isang tagong lugar kung saan nadiskubre ko ng minsan akong masiraan ng sasakyan,nagbakasakali ako baka may tao sa lugar at sa paghahanap ko ng tulong may natanaw akong isang kubo,pinuntahan ko iyon at nagtawag baka sakaling may taong naroon subalit walang may sumasagot kaya minabuti ko nalang ang pumasok sa loob at natukso akong buksan ang bintana at ganun nalang ang pagkamangha ko ng makita ang mala paraisong lugar.Nang makarating pinara kona ang sasakyan at lumabas kaagad kong tinungo ito at pinagbuksan.
Pwede kanang bumaba.Saad ko rito ng mapansing wala itong balak lumabas ng sasakyan.
Bakit kailangan kopang bumaba at tsaka bakit mo pa ako dinala sa lugar natoh.Inis na tanong nito.
Basta bumaba ka nalang.Mahinahong utos ko.
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
Ficción GeneralIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...