Naalimpungatan si Claire at napahawak pa sa sariling noo dahil may kaunting hilo siyang naramdaman.
Dahan dahan siyang nagdilat ng mga mata at biglang nawala ang hilo niya ng mapansing hindi pamilyar ang paligid.
Nilibot niya ang tingin at napagtanto niyang nasa isang kwarto siya sabat kinabahang bigla ng maalala ang nangyari.Lalo ang kaba niya ng bumukas ang pinto at laking pasasalamat niyang si Dave lang pala iyon.
Bumangon siya't kaagad lumapit dito.
Dave,salamat at dumating ka!
Alam moba kung anong nangyari kanina?May lalaking..Hindi niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ito.Wag monang isipin iyon ang mahalaga andito na ako at ligtas ka dito.Putol nito sa sinasabi niya.
Nga pala asaan si Sheryl?
Kumusta na siya?
Gusto ko siyang makita!Sunod sunod na tanong niya ng maalaa ito.Nagpapagaling pa siya at tsaka ang mabuti pa kumain na mona tayo!Halika!Aya nito sa kanya.
Sumunod naman kaagad siya sa likuran nito dahil gutom narin kasi siya,hindi kalayuan ang nilakad nila at inikot niya ang paningin sa buong paligid,nasa ganoong ayos siya ng tawagin siya ni Dave.
Claire halikana!Muling paanyaya nito.
Umupo na sila pareho at nagsimula na silang kumain.
Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay nagsalita ito.Ahm,may binili pala akong gamit mo,kumpleto nayan,may shampoo,toothpaste, toothbrush lahat ng mga kailangan mo tsaka mga damit. Nakangiting saad nito sabay abot ng isang supot.
Nag abala kapa,pero salamat.Nakangiting sagot niya.
Nga pala anong oras na.Tanong niya sabay tingin sa bintanang naroon.
Medyo madilim na kasi sa labas.Pahabol pa niya.
Hindi naman ito sumagot sa kanya sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa pagkain.
RAMIREZ HOUSE
SHERYL'S POV
Isang umaga...patungo na sana ako sa trabaho ng may makita akong isang lalaking lasing na nakaupo sa may bakuran namin.
Kaya naman nilapitan ko kaagad ito at sinita kung bakit ito naroon.
Napakunot noo na lamang ako sa isinagot niya.Ano bang mali sakin,bakit ba hindi mo ako magawang mahalin ha?Naging mabuti naman ako sayo,bakit ba lagi mo nalang sinasaktan ang puso ko!
Mahal kita Claire,Hindi paba sapat lahat ng mga ginagawa ko?Umiyak bigla nitong saad.Nakaramdam ako ng awa rito,minabuti ko ang papasukin na mona ito sa bahay dahil baka mapahamak pa ito sa labas,marami pa namang sira ulo jan sa tabi tabi.
Inalalayan ko itong makapasok sa loob ng aming bahay at pinahiga sa may katre kong higaan at inalis kona rin ang suot nitong sapatos saka niluwagan ang butones ng damit nito.
Kumuha ako ng maligamgam na tubig at ipinampunas dito.Napatingin ako sa orasan late na ako kaya naman nagmadali na akong umalis para pumasok na sa trabaho.
Kinahapunan...habang naglalakad ako sa may eskinita't pauwe na ay naalala ko ito.
Nandoon pa kaya ito sa bahay.Sa isip ko.
Nagmadali akong maglakad at pagkapasok ay tinungo ko kaagad ang kwarto at hinanap ito subalit wala na ito roon,nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
Sino ka?Tanong nitong ikinalingon ko.
Mabuti andito kapa?
Akala ko umalis kana,Sheryl nga pala,
Ikaw sino ka?Nakangiting pagpapakilala ko sabay lahad ng kanang kamay dito.Dave!Seryosong sagot nito sabay abot ng kamay ko.
Nag tanong ito kung paano siya napunta sa bahay ko,kaya naman ikinwento ko rito ang nangyari.Nagpasalamat naman kaagad ito sa ginawa ko at humingi narin ng despensa.
![](https://img.wattpad.com/cover/228232899-288-k747162.jpg)
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
Ficción GeneralIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...