MONTENEGRO'S HOUSENgayon ang araw ng pag alis ni Xander,
Buo na ang desisyon niya at hindi na magbabago pa iyon at alam niyang mas makakabuti ang gagawin niyang ito.
Kompleto na lahat bagahe (√),Passport (√).
Nagpaalam na siya sa ina sabay niyakap ito ng mahigpit ganun din sa amang walang nagawa kundi ang tanggapin nalang din ang desisyon niya.Mag iingat ka palagi kung saan kaman mapunta.Bilin ng amang naiiyak.
Opo Daddy,kayo rin po ni mommy!
Ingatan niyo rin po palagi ang mga sarili ninyo!Naiiyak niyang saad at niyakap muli ang mga ito ng mahigpit.Kumawala na siya sa pagkakayakap sa mga ito at tinungo na ang sasakyan,binuksan niya mona ang window shield at kumaway pa siya sa mga magulang bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.
Bumukas ang automatic gate at dahan dahan na siyang lumabas.
Nagulat na lamang siya ng may isang babaeng humarang sa dinadaanan niya kaya binusinahan niya ito ng maraming beses.
Sa hitsura nito ay para itong pulubi,lumapit pa ito sa bintana ng kotse niya at kumatok doon na halos basagin na ang salamain ng bintana,
Lumabas siya ng sasakyan sabay sininghalan ito.Anong ginagawa mo?Umalis kanga diyan.Inis na utos niya rito.
Ikaw si Xander Montenegro diba?Hingal na hingal na tanong nito.
Nagtataka naman siya kung bakit kilala siya nito,minabuti niyang wag sagutin ang tanong nito baka nanloloko lang ito kagaya ng mga nangyayari sa balitang mga budol budol gang.
Wala akong panahon makipag usap sayo!Inis niyang saad dito at akmang papasok ng muli ng sasakyan ng hilain siya nito sa damit.
Ano ba?Ano bang problema mo.Galit na singhal niya rito.
Ayaw niya na sanang patulan ang sinasabi nito subalit bigla siyang kinabahan ng banggitin nito ang pangalan ni Claire at nagulat siya sa sumunod na sinabi nito.
Dumating naman ang mga magulang niya at nagtataka ang mga ito ng makita ang babae.
Nagpaalam kaagad siyang pupuntahan si Claire ng hindi na nagpaliwanag pa at pinaharorot na ang sasakyan paalis.RAMIREZ HOUSE
Habang naghahanda ng almusal nakita ni Gloria ang tumatakbo at nagmamadaling lumabas na si dave.
Dinaanan lang siya nito at nag dire diretso na sa sasakyan nito at pinaharorot iyon paalis.
Nagtataka naman si Gloria dahil hindi manlang ito nagpaalam sa kanya at sa asawang si Kaloy na noo'y nakaupo lang sa sofa.Oh,bat parang nagmamadali iyon?Anong meron?Takang tanong ni Kaloy.
Hindi ko nga rin alam eh!Sagot ni Gloria na kinabahan ng maalala kung saan ito nanggaling kanina habang papalabas.
" CLAIRE'S POV "
Habang inilalapag ko sa kuna ang tulog ng si Xandra ay biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko,mabuti nalang at nailapag kona si Xandra kung hindi ay baka naihagis ko ito.
Claire,Miguel,Xandra.Nag aalalang tawag ni nanay saamin ng makapasok.
Lumapit kaagad ako rito at napansin kong namumutla ito.
Oh nay bakit po?Teka,!Ano pong nangyari sainyo?Takang tanong ko na may halong pag aalala.
Nakita ko naman si tatay na hingal na hingal na kasunod naman dumating ni nanay mula sa likuran.
Ano pong nangyari sainyo?Tanong ko sa mga ito.
Hindi kaagad ito nakasagot dahil habol pa ang hininga.
Sa halip ay binalingan ko si nanay na noo'y medyo nakabawi na,bumuntong hininga mona ito bago nagsalita.
Akala ko may nangyaring hindi maganda sainyo kaya napaakyat akong bigla.Sagot ni Nanay.
![](https://img.wattpad.com/cover/228232899-288-k747162.jpg)
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
Ficción GeneralIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...