CHAPTER TWELVE

170 20 0
                                    


MIGUEL'S BITLRTHDAY

Alas dos na ng hapon malapit naring magsimula ang party.
Nakahanda na ang lahat at may mga bisita nang pa isa isang nagsisidatingan.
Samantala nakaabang naman si Claire sa terrace ng kanilang bahay upang makita kung sino sino na ang mga bisitang dumarating.
Si Miguel naman ay nasa loob lang ng kanilang kwarto,napansin ni Claire na parang malungkot ito kaya naman di niya natiis at nilapitan ang anak.

Don't be sad baby ko?Saad niya dito.

I hope he's here right now joining us to celebrate my day!Naiiyak na sagot nito.

Lumapit pang lalo siya dito sabay niyakap ito ng mahigpit at hinagod hagod ang likuran nito ng sa ganun ay kumalma ito,wala kasi siyang ibang maisagot dito ayaw niya namang sabihin dito ang tungkol sa pagpunta niya sa bahay nina Xander noong nakaraang araw dahil nga sorpresa niya iyon.

Nasa ganoong ayos sila ng bumukas ang pinto at iniluwa ang ina niyang si Gloria.

Miguel apo halikana simulan na natin ang party andiyan na ang mga bisita mo.Nakangiting saad nito sa apo habang papalapit sa kanila.

Kaagad na tumalima naman ito at lumapit sa kanyang Lola kasunod si Claire sa likuran ng mga ito.
Humawak pa ito sa magkabilaang kamay nila at sabay sabay na silang bumaba ng hagdan.
Hanggang sa nagsimula na nga ang party at nagkaroon kaagad ng mga palaro na nagustuhan ng mga batang bisita kasama ang magulang ang iba naman ay ang mga yaya ng mga classmates ni Miguel.
Naging masigla naman na si Miguel at nakalimutan na ang iniisip kani kanina lang.
Samantala habang nakatayo sa gilid malapit sa kinauupuan ni Miguel ay palinga linga naman si Claire na parang may hinahanap.
Napasinghap siya ng may humawak sa balikat niya na ikinalingon niya.

Hinahanap mo siya o hinihintay?Biglang panunuksong saad nito.

Ha Sino?Kunwari ay di kilala ang tinutukoy nito.

Sino paba edi si Xander.Medyo pabulong na saad nito sa pangalan ng lalaking kinaiinisan niya.

Hindi ko siya hinihintay noh at isa pa syempre siya yung espesyal na bisita ni Miguel dapat dumating na siya dito para sa anak niya.

Darating yun para kay Miguel,tsaka pagkakataon niya na toh para makitang muli at makasama ang anak niya isa pa di karin nun matitiis.Patuloy na panunukso sa kanya ng kanyang ina.

Napakunot noo na lamang siya at nagpa iling iling sa mga huling sinabi nito.

Maya maya'y pinakain na mona ang mga bisita dahil nagutom na ang mga ito dahil sa mga palaro.

Pagkatapos ng masayang kainan ay nagpahinga lang sandali ang mga at ito na ang pagbibigay ng mga regalo sa may kaarawan.
Marami rami rin ang natanggap ni Miguel mula sa mga ito,
Subalit parang hindi ito gaanong masaya ayun sa napapansin ni Claire.

ALEXANDER'S POV

Araw ng martes,nakahiga lamang ako sa sarili kong silid habang malalim ang iniisip.

Kumusta na kaya ang anak ko ngayon at si Claire.Mahinang sambit ko at nagpagulong gulong sa higaan.

Naman!Biglang hiyaw ko at napasabunot sa sariling buhok.

Duwag ka kasi Xander,akala koba matapang ka,noon nga kung kani kanino kalang nakikipagsuntukan tapos ngayon para kanang basang sisiw sa sobrang kaduwagan.Inis kong saad sa sarili.

Nasa ganoong ayos ako ng mag ring ang phone ko.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumayo para kunin iyon.Subalit bago kopa sagutin ay nakita kona sa screen ang pangalan ni mommy.
Napakamot akong bigla sa sariling ulo sa inis.

Hay naku si mommy nanaman!Malamang ay manenermon na naman ito.Saad ko habang nakatingin parin sa phone ko.

Tatalikod na sana ako para bumalik muli sa pagkakahiga ng tumunog ulit iyon.
Tatlong beses itong tumawag subalit pinabayaan kolang.
Maya maya'y tumunog ang ringtone ng text messages ko hanggang sa tinadtad na iyon sa dami ng text na pumasok.
Kaya naman napilitan akong naglakad pabalik at padabog kong kinuha iyon sabay bumalik sa dating kinaroroonan binuksan ko ang unlock screen at binasa ang mga text messages galing kay Mommy.

My Secret Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon