Kabanata 4

84 3 0
                                    

Kabanata 4

Ghost girl

As I look for the right clothes to wear, I saw a familiar box under my stacked folded shirts. I pulled it out and a bitter smile escaped from my lips.

Binuksan ko ito at inilabas ang itim na Converse. Hindi ko pa ito nagagamit kahit na mag-dadalawang taon na ito sa akin. Inayos ko ang sintas at inilapag iyon sa sahig. I'll wear this Chucks today.

Hours passed and thirty minutes before the said time, I was done preparing. Suot ko ang itim na Converse na tinernuhan ko naman ng faded ripped jeans at black statement shirt. Hinayaan kong nakalugay ang bahagyang umaalon kong buhok na hanggang balikat.

Though Mariette advised me to wear dress or a skirt—at least—, I decided to wear clothes that I'm most comfortable with.

I am not really a fan of dresses and heeled footwears. I am the shirt, jeans and Chucks type of girl. Hindi naman siguro magkakaroon ng problema dahil sa suot ko, hindi ba?

Hindi rin naman kasi sinabi sa akin ni Ephraim kung kailangan kong magmukhang pormal. Sinabi niya lang naman na kailangan, nakaitim ako. Ayos na siguro ito.

Pwede rin naman akong magpalit kung hindi niya magugustuhan. Malapit lang naman ang bahay namin sa Pavilion na tinutukoy niya.

"Mom, alis na ako."

Ibinulsa ko ang phone at isinabit na sa parehong balikat ang hindi kalakihang itim din na backpack.

"Enjoy!"

Nilakad ko ang daan papunta sa Pavilion at napansin ang isang itim na kotse na nakaparada sa harapan. I noticed Ephraim sitting on the bumper, wearing his usual scowl and his hands inside his pockets.

May ilang napapatingin sa banda niya, karamihan ay babae, at may ilan ding napapahinto pa kapag nakikita siya. I watched him stand up properly when he noticed me walkong towards where he was.

Napalunok ako at huminto nang isang dipa na lang ang layo naming dalawa. He was wearing a black shirt too but his was a plain one. Ang akin kasi ay may tatak na: youth sa upper left part. Nakaitim siyang pantalon at itim din na high-cut Converse katulad ng sa akin.

Tama ba ang desisyon ko na gamitin ang sapatos na 'to? Pantalon lang ang magkaiba sa amin.

"Let's go."

He opened his car's door for me. Mabilis naman akong pumasok sa loob at hinayaan siyang isara rin iyon pagkatapos. I put on the seatbelt and waited for him to come inside.

We were already on our way when I finally had the courage to ask.

"Saan tayo?"

"Are you fine with long drives?" Tanong niya at sandaling pinasadahan ako ng tingin.

"Ayos lang. Maglo-long drive ba tayo?"

"No."

Muntik pa akong mabulunan sa sarili kong hininga dahil sa sagot niya. The heck?

Bakit kailangan niyang itanong ang tungkol doon kung hindi naman pala 'yon ang gagawin namin? Ano? Trip niya lang talaga?

"Uh..." I couldn't find the right words to say.

"I don't think my kind of date is the one you're expecting," I heard him say. "What do you want to do?"

"Uh..." I trailed off. "Ano bang plano mo?"

He didn't answer me for a while. Nanatili siyang tahimik na nagda-drive, ang parehong mata ay nakatingin lang sa harapan.

Sandali niya akong nilingon at ibinalik ang tingin sa kalsada.

The Great EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon