Kabanata 33
Sleeping Beauty
The past days were like a blur. Madalas ay magigising ako sandali at makatutulog din pagkatapos. My illness sucks out all the strength in me that I find it hard to stay awake for hours.
Mas pinipili kong matulog na lang kesa maramdaman 'yung bigat at hirap. Hindi lang dahil sa sakit ko, kundi dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Ephraim.
It was a one quiet afternoon. My Mom was here and she's resting on the long couch. Si Mariette ay may klase samantalang dito nagpalipas ng gabi sa Psalm at hanggang ngayon, hindi pa rin umaalis. Um-absent siya.
"Ate Sera..."
My eyes grew wide when Tamara entered the room with tears rolling down on her cheeks. Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"W-What's w-wrong?"
"Bakit gano'n ang itsura ni Kuya Ephraim? Akala ko ba malakas siya? Sabi niya sa akin magaling na siya!"
She was crying so hard and the words she just said... I can hardly process them.
Anong ibig niyang sabihin? Akala niya magaling na si Ephraim? He was recovered, as far as I know. Na-discharge na siya noon pa.
"Tamara," it was Psalm. "What do you mean by that? Nakita mo ba ang Kuya Ephraim mo?"
Unti-unti na ring nagising si Mommy at nagulat din nang makita si Tamara na umiiyak sa balikat ko. The latter then faced Psalm and nodded her head.
She saw him. Where? Dito sa ospital? At kung dito nga niya nakita si Ephraim... bakit? Anong sakit iyon at bumalik siya rito?
"B-Bibisita lang dapat ako kay Ate Sera rito pero napasilip ako isang room. Nakita ko po roon si Kuya Ephraim na nakahiga sa hospital bed. N-Natutulog," she cried. "Sabi niya sa akin noon magaling na siya. Bakit nandito na naman siya? Bakit nakahiga na naman siya roon?"
Halos wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Tamara. Wala rin akong maisagot sa mga itinatanong niya sa amin dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari kay Ephraim.
"Where is he?" Psalm asked.
Tamara slowly pointed her right side. "Dito po."
And then I realized what she meant by that. Wala na siya sa dating kwarto kung saan namin siya nakita ni Psalm pero nandoon lang siya sa kabilang side? Maybe that's why the room was always locked and the security was really tight. Noong isang araw ko lang din nalaman na anak pala siya ng director ng ospital. I recently found out his surname, too.
"Ate Sera... Ayaw kong mawala si Kuya Ephraim. Pinagpe-pray namin siya palagi kaya sana maging okay din siya. Sana magising na siya..."
"H-He will e-eventually wake u-up, for sure."
Umiling nang ilang ulit si Tamara na siyang ipinataka ko. She was shaking her head with tears in her eyes while saying no a few times. Ipinagtaka ko iyon.
"Hindi po katulad ng ibang mga tao si Kuya Ephraim, Ate Sera," she sniffed. "Hindi siya pwedeng basta-basta na lang matulog at gumising kung kailan niya gusto. Ate Sera, hindi mo ba alam?"
Her next words felt like I was struck by the strongest lightning. It was as if everything else was gone and all I could think was Ephraim and his real condition.
Para akong naputulan ng ugat at di makagalaw. Namimilog ang mata ko habang nakatingin kay Tamara, pilit ipinapasok sa isipan ang bawat salitang binanggit niya.
BINABASA MO ANG
The Great Escape
Teen FictionCOMPLETED. Seraiah was diagnosed with Amyotrophic Lateral Sclerosis and going in and out of the hospital became part of her daily routine. Her days became dull and her condition gets worse each passing day. Until she met Ephraim, the stubborn son o...