Kabanata 25
Prank
On the next day, we were greeted with the blue, pink, orange and yellow hues for the sunrise. Magandang-maganda ang itsura nito mula sa tuktok ng Mt. Pulag. Nakadagdag pa rito ang mga ulap sa paligid na biyaya sa mga mata ng makakikita.
We took photos of the breath-taking sunrise. Kahit kagabi ay nakailang kuha kami ng litrato. And like what I usually do before I go to bed since day one, I write on my journal.
"You drive," Ephraim told Psalm when we were already at the parking space.
Nasa pagitan na kami ng dalawang sasakyan. Ang Jeep Compass ni Ephraim at Volvo ni Psalm. We were puzzled for a moment.
"Why? Aren't you the one who planned—"
"I thought you'd like to be with Seraiah on our way to the next destination? I'm giving you a favor here, man."
Mabilis na tinakpan ni Psalm ang bibig ni Ephraim pero huli na iyon. Natapos na ng huli ang sinasabi at narinig din namin iyon nang malinaw.
What does he mean by that? Nag-usap ba sila ni Psalm kagabi sa tent habang natutulog na kami ni Mariette? At kasama ito roon?
I guess Psalm's being protective of me again. I can't blame him though. Medyo mainit ang dugo niya kay Ephraim.
Besides, I can see the dark circles around Ephraim's eyes. He's probably exhausted of driving for hours. Kung hindi lang sana delikado sa kondisyon ko, makikipagpalit ako sa kanya eh. Kaso lang hindi kasi sigurado kung kailan ako ulit magkakaroon ng episode o kung kailan tuluyang mamamatay ang mga motor neurons sa katawan ko.
Hindi na nagsalita pa si Psalm at pinagbuksan na lang kami ng pinto ni Mariette sa backseat. Si Ephraim ang naupo sa harapan at si Psalm sa driver's seat, syempre.
"Paano ang sasakyan mo?" Mariette asked.
"I'll just message Mang Gardo. Siya na ang bahalang kumuha ng kotse," si Psalm.
Mas pinili kasi nilang ang Jeep na lang ang gamitin dahil mas malawak iyon kumpara sa Volvo ni Psalm. And very much appropriate for this stargazing adventure.
BINABASA MO ANG
The Great Escape
Teen FictionCOMPLETED. Seraiah was diagnosed with Amyotrophic Lateral Sclerosis and going in and out of the hospital became part of her daily routine. Her days became dull and her condition gets worse each passing day. Until she met Ephraim, the stubborn son o...