Chapter 27

14 1 0
                                    

Author's note!!(◕ᴗ◕✿)

Hi guys! Sorry for super duper mega power na daming typos! And wrong grammars hope you guys understand (•ө•)♡

Hope you enjoy my story please don't forget to comment and vote (✿^‿^) Lovelots(。•̀ᴗ-)✧

-yukumara (◕ᴗ◕✿)

****************

Clara's Po'v!!

"CLARA!!!!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Shennon na papalapit sakin at nag aalala ang mga mata.

"Twennie are you okay?" Nag aalala niyang tanong ng maka lapit sakin inalalayan niya ko makatayo tsaka sinuri ang kabuuan ko

"Ayos lang ako twennie." Nakayuko kong sagot

Tinignan niya ng masama si Hailey na ngayon ay nanlalaki narin ang mata ng makita si Shennon.

"How dare you!" Ganon nalang ang kalakas ang sigaw ni Shennon na umalingawngaw sa tahimik na hallway.

Maya-maya pa ay nag silapitan na ang mga chismoso't chismosa sa buong campus at ngayon ay nanonood na saamin

Nagulat ako ng sugurin at sampalin niya ng malakas si Hailey at akmang susugurin pa ng hawakan ko siya sa braso para pigilan.

"She? Tama na." Naiiyak kong awat sa kanya habang hawak ang braso niya.

Tinignan ko si Hailey na ngayon ay nakatulalang nakatingin kay Shennon.

"How dare you hurt my cousin!" Galit na asik ni Shennon.

Lumapit na din sa amin si Leica at Blaire, hinawakan ni Blaire ang braso ko habang si Leica naman ay kumapit sa kamay ni Shennon.

"She- shennon Claire?" Nanlalaking matang ani ni Hailey.

Hindi na ko nagulat kung bakit kilala niya si Shennon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagiging sikat na modelo ni Shennon

Hinimas ko ang braso niya upang makalma siya pero wala paring talab dahil sobrang sama parin ng pagkakatingin.

"What's happening here!?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Misis Barcelas ng marinig ang mauthoridad niyang boses.

"Everyone, please go back to your respective rooms now!" Sa isang salita ni Misis Barcelas ay na ubos ang mga studyanteng kanina ay pinag pepyestahan kami.

"What happened? Miss, Dela Fuente.. and you again Miss, Aloña?" Kunot noong ani ni Misis, Balrcelas.

"To my office now." Mauthoridad niyang ani at naunang nag lakad papuntang principal's office.

Kinakabahan man ay wala kaming nagawa kundi sumunod.

Nauna kaming sumunod sa principal's office habang asa likuran naman namin sina Hailey.

"Twennie lagi kabang binubully dito?" Masamang tingin at tanong sakin ni Shennon.

Yumuko lang ako at hindi sumagot, narinig ko ang matunog niyang pag iling tsaka tumingin kay Leica.

"I'm planning to surprise you Leica, kahapon pa ko dumating." Nakangiti niyang ani kay Leica

Yumakap naman si Leica sa kanya tsaka ngumiti.

"Mamaya na natin pag usapan yan after ng usapan sa loob." Natatawang ani ni Leica.

********************

The Beautiful Swan 👑Where stories live. Discover now