Chapter 43

4 1 0
                                    

Author's note!!(◕ᴗ◕✿)

Hi guys! Sorry for super duper mega power na daming typos! And wrong grammars hope you guys understand (•ө•)♡

Hope you enjoy my story please don't forget to follow, comment and vote (✿^‿^) Lovelots(。•̀ᴗ-

-yukumara (◕ᴗ◕✿)

****************

Clara's Po'v!!

"Ilang taon kana iha?" Tanong ni daddy kay Blaire tsaka ibinaba ang kubyertos sa mesa.

Nag punas muna ng labi si Blaire tsaka uminom ng tubig bago ngumiti kay daddy.

"Turning 18 na po ako tito, sa December po." Magalang niyang ani ngumiti naman si daddy.

"Malapit narin pala. Si Chelsea Next week na siya." Naka ngiting ani ni Daddy.

"Ate ganda? You go to my party ha? Please please?" Ani ni Chelsea habang nakapit pa sa braso ni Blaire.

Mag katabi kase sila ni Blaire habang sa kabila ni Blaire ay si kuya Chandler sinadya talaga namin ni mommy na pag tabihin silang dalawa.

"Of course baby girl, ate ganda will come. But for now you should finish your food first, okay baby?" Tumango naman ng ilang ulit si Chelsea tsaka muling sinubuan ng kanyang yaya.

Napa ngisi naman ako ng makita ang pasimpleng sulyap ni kuya kay Blaire.

"Kamusta na pala sila Sherwin iha?" Tanong ni daddy kay Shennon.

"Okay naman po sila tito, medyo busy nga lang po kase kailangan ng new design for Christmas edition." Ani ni Shennon tsaka muling humiwa ng steak at kinain 'yon.

Tumango naman si daddy tsaka uminom ng tubig.

"Kamusta ang pag momodelo mo iha? Hindi kaba nahihirapan lalo pa't nag aaral ka?" Ani ni daddy tsaka ininom ang natitirang wine sa baso niya.

Inubos muna ni Blaire ang nasa bibig niya tsaka uminom ng tubig bago pinunasan ang kanyang bibig.

Napaka pino ng kanyang kilos..

"Hindi naman po ako nahihirapan tito. Home study po ako and masaya naman po ang pagiging modelo lalo pa't maraming sumusuporta." Naka ngiti niyang ani.

Napaka ganda niya.. marahil kahit sinong lalake ay mabibighani sa angkin niyang ganda..

Sana lang ay hindi mapa isa doon si Ryle..

Nalungkot ako sa sarili iniisip paano kaya kung mahulog din si Ryle sakanya?

"Oh ikaw naman bruha! Kamusta ang school mo?" Natatawang ani ni daddy kay Leica.

Ngumuso naman si Leica tsaka hinarap si daddy.

"Tito naman eh! Okay naman po, nakaka sabay naman po ako sa lectures and star player kaya ako ng volleyball no! Kala mo tito ha!" Mayabang na ani ni Leica pumalakpak naman si daddy tsaka ngumiti.

"Alam mo namang binibiro lang kita hindi ba? Pero tito will always be proud of you Leica." Naka ngiti ani ni Daddy ngumiti naman si Leica.

"Show me your medals okay?" May pag mamalaking ani ni Daddy.

Tumango tango naman si Leica tsaka tinuon muli ang pansin sa pagkain.

"How about my first born princess?" Dahan dahan akong nag angat ng tingin kay daddy ng maramdaman ang mga mata nila sa 'kin.

"Okay naman po daddy. Ako parin po ang nasa top namin." Naka ngiti 'kong ani.

"That's my girl! How bout your sports?" Yumuko naman akong bahagya.

"Hindi po ako kasali sa mga player ng badminton sa school daddy. Ngayon palang po ako nag try representative ng room namin for sports week." Mahina 'kong ani.

"What? Why?" Hindi na natuloy ni daddy ang sasabihin ng pumasok sa kanyang isipan ang tunay na dahilan.

"Now i know. Wala bang bullies sa school?" Nag katinginan naman kaming tatlo nila Leica at sabay sabay na napatingin kay Daddy.

"Wa-wala po daddy." Mahina kong ani.

Ngumiti naman siya tsaka tumuhog ng prutas.

"Good to know, ayokong malalaman na may nananakit sa princessa ko sa mismong paaralan na pag mamayari niya." Seryosong ani ni daddy.

Napa lunok naman ako dahil sa sinabe ni daddy.

Kilala ko si daddy mabait siya maluwag saming mag kakapatid pero once na nalaman niya na merong nana nakit isa samin mas matindi siya magalit kumpara kay kuya Chandler.

"Chandler, may girlfriend kana ba?" Nasamid bigla si kuya sa di inaasahang tanong na yun ni daddy naka ngisi 'ko naman siyang tinignan.

"Dad come on, mag kasama tayo sa london for almost a year kelan lang ako umuwi." Di maka paniwalang ani ni daddy.

Tumawa naman si daddy tsaka iiling iling na tumingin kay kuya.

"Oh come on Chandler, kahit nagugustuhan ay wala ka? Sayang ang lahi ng Dela Fuente kung hihinto lamang sa henerasyon mo." Naka ngising ani ni Daddy tsaka naka ngiting tumingin kay Blaire.

Sa sobrang halata ni kuya ay maging si daddy napapansin na ang simpleng sulyap niya kay Blaire.

"Age doesn't matter anyway. 21 ka lang naman habang siya ay.." Naka ngising dugtong pa ni daddy.

Nanlaki ang mga mata ni kuya kay daddy ng makitang ang paningin ni daddy ay na kay Blaire na hindi na rin mapakali sa kanyang upuan.

Halos mag sipaan na kame nila Shennon at Leica sa ilalim ng mesa sa sobrang kilig.

"Dad come on, not now please?" Paki usap ni kuya kay Daddy tumawa naman ng malakas si daddy tsaka ipinatong ang dalawang siko mesa habang pinag hawak ang kamay niya at doon inilapag ang baba niya tsaka naka ngiting tumunghay kina kuya.

"Tsk tsk tsk, wag kang mag paka torpe Chandler hindi tatak ng isang Dela Fuente yan. Sige ka sa ganda ng nagugustuhan mo hindi malabong may mag kagusto diyan." Pang aasar pa ni daddy.

Napa sapo sa sariling noo niya si kuya sa sobrang pag ka inis.

"Dad." Nawawalang timping ani ni kuya

Tumawa naman ng malakas si daddy tsaka itinuon ang pansin kay mommy.

"Hay nako honey, bakit ba tayo nag karoon ng anak na ubod ng torpe." Pang aasar pa ni daddy kay kuya habang ang mga mata ay na kay mommy.

Tumawa naman si mommy.

"Hayaan mo na siya honey, malaki na ang anak mo kaya hayaan mo siya pag naunahan lang siya ng ibang lalaki diyan ay hindi ko nalang alam." Naka ngising ani ni mommy sinasakyan ang pang aasar ni daddy.

"Mom, Dad!" Naiiritang sigaw ni kuya.

Tumawa naman kaming lahat dahil sa reaksyon niya liban lamang kay Blaire na ngayon ay naka yuko at nilalaro ang mga kamay.

"Bakit ba ako ang inaasar ninyo? Eh yang si Clara ang may manliligaw!" Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata 'ko ng marinig ang pag sigaw na yun ni kuya.

___________________
/EndOfChapter43/
___________________

The Beautiful Swan 👑Where stories live. Discover now