Chapter 49: Chelsea's Birthday Party, Part 2

6 0 0
                                    

Author's note!!(◕ᴗ◕✿)

Hi guys! Sorry for super duper mega power na daming typos! And wrong grammars hope you guys understand (•ө•)♡

Hope you enjoy my story please don't forget to follow, comment and vote (✿^‿^) Lovelots(。•̀ᴗ-

-yukumara (◕ᴗ◕✿)

****************

Clara's Po'v!!

Bakit hindi siya nag sabi sa 'kin na aalis siya? Pero kay Shennon nagawa niyang makapag paalam? At sa pag balik niya sila pang dalawa ang mag kapareha!?

Hindi 'ko alam kung saan nang gagaling ang inis at tampo sa dibdib 'ko... Hindi 'ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng ganito ng dahil lang sa mababaw na dahilan..

Naiinis 'kong pinunasan ang luha 'ko, ganon nalang ang pagkainis 'ko ng masalaminan 'ko ang sarili 'ko sa tubig ng swimming pool.

"Nakakainis! Ampangit mo na nga! May ipapangit ka pa pala!" Inis kong asik sa sariling replika sa tubig.

Inis 'kong pinadyak ang paa 'ko sa tubig, naiinis na nilingon 'ko ang paligid umaasang kahit sa sandali 'tong ay mas pipiliin niya 'ko. Pero nag kamali ako.. walang Ryle ang sumunod sa 'kin.

"Edi dun na siya! Mag sama sama kayong lahat!" Naiiyak 'kong ani tsaka naiinis na pinunasan ang mga kumakawalang luha sa mga mata 'ko.

Bakit nga ba niya ko susundan? Eh napaka babaw lang naman ng dahilan kung bakit ako nasasaktan.. bakit nga ba siya mag aakasaya ng oras sa isang panget na gaya 'ko? Kung may mas maganda naman siyang kasama?

Sunod sunod ang pag patak ng luha sa mga mata 'ko pero sa pag kakataong 'to ay hindi 'ko na inaksaya ang pagod kong punasan pa ang mga 'yon.

Tila may karayom na paulit ulit na tumutusok sa dibdib 'ko..

Mas pinili niyang manatili doon kesa sundan ako..

Napatakip ako sa sarili 'kong mukha at hinayaang ang sarili 'kong umiyak ng umiyak doon.

Bakit kailangan makaramdam ako ng ganito kasakit!?

*Kung may taong dapat na mahalin ay walang iba kundi ikaw..*

Inis akong napatingin sa cellphone 'ko ng marinig 'ko ang napaka ingay na tunog mula roon.

Panira naman ng moment to!

Inis na pinatay 'ko yon tsaka pabagsak na inilapag sa tabi 'ko. Ganon nalang ang inis 'ko ng marinig 'kong muli ang pag tunog non.

*Kung may taong dapat na mahalin ay walang iba kundi ikaw...*

Muli kong nireject ang tawag ngunit ganon nalang ang pag tulo muli ng mga luha 'ko ng makita kung ano ang litrato ang nasa lockscreen ng cellphone ko.

Ngunit agad ding napalitang ng inis ang pag iyak 'ko ng nag flash nanaman ang tawag sa screen ng cellphone 'ko. Hindi na 'ko nag abala pang tignan kung sino ang tumatawag at basta basta nalang yon sinagot.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area--"

("Clara are you okay? Are you crying?")

Ganon nalang ang gulat 'ko ng marinig ang boses ng lalake mula sa kabilang linya. Agad 'kong tinignan kung sino ang tumawag halos manlaki ang mga mata 'ko ng mabasa kung sino ang tumawag.

The Beautiful Swan 👑Where stories live. Discover now