Syringe Aidcillin
It's been a week since the beach incident. Aaminin ko na apektado pa rin ako pero di ko alam kung bakit!
“Montevessa!”Andito ako sa hallway. Pupunta kasi ako sa kabilang building dahil doon ang next subject ko. Kinig na kinig ng mga tao yung tumawag sakin.
Napatingin din ang iba pang mga estudyante sakin dahil ang tumawag sakin ay si Travis Bustamante, ang team captain lang naman ng basketball ng school.
“Why? Do you need anything?” Kaswal kong tanong sa kanya. Minsan na rin naman kaming nagkasama dahil pinasok ko rin ang cheerleading noon.
“ I heard that you're one of the candidates for Latin honors. Congrats in advance” I said thank you naman. “I'll go ahead. Calculus na ang subject namin eh. Alam mo na...” I nod and bid goodbye to him. Naririnig ko kasi na terror daw ang calculus teacher ng architecture department. Maging ako ay nagmadali na rin. Mahirap na pag nalate.
Lunch time came. Dumaan muna ako sa locker room para kunin ang libro ko sa Law of contracts and obligations. May test kasi mamaya.
Paglabas ko sa girls's locker room ay saktong nakita ko naman si Travis sa labas. “Montevessa, ikaw pala! Saan ang punta mo?” Maaliwalas ang mukang tanong sakin ni Travis. “Montevessa ka ng Montevessa dyan, Sy nalang. Papunta ako cafeteria, maglulunch” Makatawag naman ito sa apelyido ko akala mo wala kaming pinagsamahan. Pero on the hand, surname nga pala ang tawagan ngayong college. Kaso di lang ako nausuhan. I prefer to call them by their name.
Nung isang beses kami na nagkagroup project kami ay sa bahay ng isa naming kaklase kami gumawa. Tapos nung tinawag namin sya in his surname, lahat ng family member nila ay napapatingin samin. Akala nila sila yung tinatawag.
Napabalik nalang ako sa reyalidad nang kuhanin sakin ni Travis ang libro ko. “Sa cafeteria rin ang punta ko kaya ako na ang magdadala nito, okay?” Tumango nalang ako bilang sagot. Kahit si Travis ang captain ng basketball ay di sya mayabang. He's kind-hearted and a true gentleman kaya naman marami ang humahanga sa kanya dito sa university.
We are eating together in the cafeteria nang magkaroon ng announcement all over the campus.
To all the students, y'all are free to go home because the faculty members have an urgent meeting today. To all faculty members, please proceed to the conference room
“So mapupunta lang pala sa wala ang pagrereview ko?” Nakita ko namang napatawa si Travis sa sinabi ko. I pout my lips pagkatapos ay sumubsob sa mesa. “Nalugaw yung utak ko tapos cancel ang test?!” Pagrarant ko pa.
“Hey, chill. That's fine at least nakapagreview ka na diba? By the way, uuwi ka na ba? I can drive you home” Wait guys, bakit ang fc nya ngayon? Alam kong medyo nagkasama na kami pero parang iba ngayon ah. Di ko matukoy kung ano pero may iba talaga!
Alanganin nalang ako na sumagot. “Ahm...Travis may dadaanan pa kasi ako eh” Akala ko ay ituturn down na nya yung offer pero hindi pa rin pala! “Saan ba yon para maidaan kita?” At dahil nga sa pagpapalusot ko, nandito kami sa mall ngayon.
The truth is, ayokong magpahatid sa bahay dahil rest day ngayon ng parents ko. Mahirap na, baka mapagkamalan syang boyfriend ko.
“ Thank you Travis” I said as I get off from the car. “Don't mention it. It's my pleasure at tsaka may bibilhin rin pala ako. So, Tara?” Shit naman oh! Naaawkwardan nako ha. Bakit parang kabit sya ng kabit sakin? Is this purely coincidence?
Sabay kaming pumasok sa mall pero naghiwalay din kami. Pumunta kasi ako sa make-up section habang sya naman ay naghanap ng materials para sa plates na gagawin nya.
Doon naman ako nakahinga ng maluwag.
I am done buying make-ups, actually puro liptints lang talaga ang mga binili ko. Mga dalawang set lang ng liptint at liquid matte lipstick lang ang binili ko na naglalaman ng tatlong piraso ang bawat isa. Bumili rin ako ng tatlong oil control powder. Di naman ako nagkemake-up ng makapal. Powder at kung anong panlagay lang sa labi ay okay na sakin dahil may pagkaputlain ako.
Bago tuluyang lumabas ng mall ay nag cr muna ako. Mahirap na, baka sa daan pauwi pako makaramdam ng pag-ihi.
After peeing, lumabas nako. Kaso kung minamalas ka nga naman, may nakabunggo ako.
Ano bang meron sa araw na 'to?!
Tumingala ako at ready nang singhalan ang kung sino mang nakabunggo sakin pero napipi ako.
I am shock!
Actually, I'm having a cold feet right now!
“I've been following you since you left the school. You're with a man huh?!” Mapanghamon ang boses ni Josh. Oo si Josh! Sya ang nakabunggo ko.
Ay teka, anong sabi nya? Kanina pa nya akong sinusundan? “Why are you following me, Josh? And why do you care if I am with a man earlier?” I raise my right brows. Nagpapasalamat rin ako dahil hindi ako nautal sa kabila ng kabang nararamdaman ko.
“I care Sy...” Mas lumapit sya sakin at inilapit nya ang kanyang mga labi sa aking tenga. “May pakielam ako kasi gusto kong mapasakin ka” Inilayo nya ang sarili nya sakin at tumalikod. Ngunit bago pa man sya humakbang ay muli syang nagsalita. “Liligawan kita. Hindi ko 'to sinasabi para manghingi ng permiso sayo. Pinapaalam ko lang para maging handa ka sa mga gagawin ko” And with that, he left me dumbfounded.
Nananaginip pa ko? Baka mamaya imagination ko lang to!
Totoo ba ang narinig ko?
Totoo bang liligawan nya ako?
BINABASA MO ANG
That Charismatic Rapper|FIN
FanfictionMy friend Sky Andromeda is so crazy about this particular Ppop boy group named SB19. At first nagtataka talaga ako kung anong meron sa grupo na yon. Napakaraming tanong ang pumasok sa isip ko like 'bakit kinababaliwan yon ng best friend ko?' Pero is...