Syringe Aidcillin
Totoo pala ang sabi-sabi na mabilis dumaan ang araw. Isang taon na pala mahigit ang nakakaraan simula nang magkrus ang landas namin ni Josh. Parang nung isang araw lang umalis si Sky. Hindi ko sukat akalain na mapapalapit ako sa SB19 lalong lalo na kay Josh.
I can't still believe that Josh Cullen Santos is now my husband. Asawa ko na sya. D*mn, ansarap sa pakiramdam tuwing naiisip kong mag-asawa na kami. The feeling is overwhelming.
“Babe, aalis muna ako ha. I'll be back tomorrow. Promise, pagkatapos ng chemotherapy session mo nandito na 'ko sa room mo” I nod at him. Kahit gaano ko kagustong manatili sya sa tabi ko ay hindi ko nalang sya pinigilan. I don't want to cage him. Ayokong maramdaman nya na ikinukulong ko sya sa relasyon namin.
“Go ahead, I'll be fine” I said then I smiled at him. Sinuklian nya rin naman ng ngiti ang ngiti ko. He kissed me on my forehead then on my lips. It's just a peck.
“I love you” He said while love is obviously written on his face. I caressed his right cheek. “I love you too” I said with full of love.
Josh
I'm walking here in the backstage together with other SB19 members. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong lampas na sa oras ng chemotherapy ni Sy.
Sh*t! Dali-dali akong umalis. Hindi ko na inintindi ang pagtawag sakin nina Sejun. I promised to my girlfriend that I'll be in her room right after her chemotherapy. Sigurado akong tapos na ang chemo nya. D*mn! I need to go in the hospital as soon as possible!
I am so thankful that there's no heavy traffic. Dumiretso ako sa kwarto ni Sy and I saw her parents there.
“Josh ijo, buti nakarating ka na. Our princess fell asleep while waiting for you. Maiwan ka na namin ha” Sabi ni mommy—Sy's mother and my mother-in-law. After they got out from my wife's room, umupo ako sa upuan na malapit sa higaan ni Sy.
She looks tired. She's also pale but it doesn't make her less beautiful. Sya pa rin ang isa sa mga pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko.
I caressed her cheeks. Nakita ko ang paggalaw ng talukap ng kanyang mga mata. Nangangahulugang naalimpungatan sya at nagigising na sya.
“ Y—you're here” Medyo nautal pa sya. Inalalayan ko sya para makaupo at tsaka ko sya inabutan ng isang basong tubig.
“Okay ka lang ba? May masama ka bang nararamdaman?” Agad na tanong ko sa kanya. She just jerked off her head. “I'm feeling good” She said then she smiled at me.
“How's your day?” Tanong nya sa akin habang inaalalayan ko syang bumalik sa pagkakahiga. Muka kasing nanghihina pa sya. Maybe it's the effect of chemotherapy?
“Everything went fine asawa ko” Asawa ko. D*mn! Ansarap sa pakiramdam na tawagin syang ganon.
“I love you” She said out of nowhere.
“I love you too” Sabi ko at pagkatapos ay pinatakan ko sya ng halik sa noo.
Marahan nyang hinahaplos ang pisngi ko. Habang ginagawa nya 'yon ay nakangiti lang sya. Napatitig naman ako sa kanya.
“Please always remember that I love y—you” Nabasag ang boses nya sa pagkakasabi non. “ You know what, since I was a kid I dreamt to be a mother and a wife. Gusto ko na may asawa at mga anak akong aasikasuhin at aalagaan. Lagi kong pinapangarap na s—sana balang araw may tatawag sakin na m—mommy” Panandalian syang tumigil sa pagsasalita. Nakatitig lang sya sa akin at ganon rin ako sa kanya.
Bakit nya sinasabi ang mga 'to? Ano ang gusto nyang iparating? Naguguluhan ako. Nung isang araw lang sobra-sobra ang pagiging territorial nya pagdating sakin. Pero ngayon, bakit ganito?
“M—mahal na mahal kita. Sobra pa sa salitang sobra. T—tandaan mo yan ha” I held her hand tightly. Lalo kong inilapit ang muka ko sa kanya dahil nakikita kong gustong gusto nyang haplusin ang pisngi ko.
“AAAAAAHHHHHHHHH” Nagkagulo ang isip ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Nataranta ako dahil sa biglaan nyang pagsigaw. Kitang-kita ko rin ang pamimilipit nya na para bang nasasaktan ng sobra.
“S—sy? Babe, please hold on” Nakakabakla mang aminin pero umiiyak na ako. Agad kong pinindot ang button sa may gilid ng kama nya.
Agad na nagsipasukan ang mga nurse at doktor. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko. Namimilipit sya sa sobrang sakit. Para bang hirap na hirap na sya.
“AAAAAHHHHHHHHH” Muli nyang sigaw.
“Babe, please hold on. Wag kang bibitaw, please” I pleaded. Lalong nagkagulo sa loob ng kwarto dahil bigla syang nawalan ng malay.
Pinalabas muna ako ng doktor. Katabi ko na ang mga magulang ni Sy pero hindi ko 'yon inintindi. Parang nawalan ako ng pakielam sa paligid ko.
Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang asawa kong nakaratay sa loob ng kwartong nasa harapan ko.
“Code blue!”
“Code blue!”
Nagmamadali ang kilos ng bawat staff ng ospital. Para silang nakikipagkarera sa oras.
Wala akong ibang nagawa kundi ang maupo at umiyak sa isang tabi.
BINABASA MO ANG
That Charismatic Rapper|FIN
FanfictionMy friend Sky Andromeda is so crazy about this particular Ppop boy group named SB19. At first nagtataka talaga ako kung anong meron sa grupo na yon. Napakaraming tanong ang pumasok sa isip ko like 'bakit kinababaliwan yon ng best friend ko?' Pero is...