Chapter 28- Passed out!

346 18 5
                                    

Josh

Kakalabas ko lang ng clinic ng dentist ko. Nagpalagay kasi ako ng braces and it took I think, one to two hours.  Its been almost three hours when I left home.

Dumaan ako sa isang restaurant para kumain dahil lampas na pala ang lunch time. Di ko man lang namalayan ang oras.

After I ate, I paid the bill and I quickly left the restaurant. Gusto ko kasing kausapin ang asawa ko. I think, I inflicted pain to her. Isipin palang na nasasaktan sya dahil sakin, dobleng sakit ang nararamdaman ko. Ang hirap kasi 'pag nasaktan mo ang taong mahal mo.


On my way home, I saw an old man selling Indian mangoes on the street. Mukang hirap na hirap sya. Nakaramdam naman ako ng awa. Kainitan kasi, santing na santing ang araw tapos antanda na nya para sa ganong kalseng trabaho.

Itinabi ko ang sasakyan ko at tsaka ako bumaba sa kotse. “ Tay, magkano po ang kilo ng mangga?” I asked him. I saw hope in his eyes. Parang bigla syang nabuhayan. Ochenta lang ang kilo, ijo” Puno ng saya nyang sabi. “Ilang kilo po ba 'yang tinda nyo?” Tanong ko sa matanda. Plano ko kasing pakyawin ang tinda nya para makauwi na sya.



Pitong kilo pa ang lahat ng ito, ijo” Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko at tsaka ko inabot sa matanda. “ Ito po ang pera, bibilhin ko po ang lahat ng yan. Pakibalot nalang po” I saw his eyes filled with happiness. Maging ako ay nakaramdam ng tuwa. Masaya kasing makatulong sa kapwa.

“Naku! Ijo, wala akong panukli dito. Masyadong malaki ang halagang ibinayad mo. Limandaan at animnapung piso lamang ang halaga ng aking mga mangga” I just smiled to the old man. “ Keep the change nalang po” Maluha-luha sa galak ang matanda.

Nang maibalot ang mga mangga ay inilagay ko ito sa sasakyan. Nagpaalam ako sa matanda bago ko tuluyang nilisan ang lugar.






Pagdating ko sa bahay ay idineretso ko sa kusina ang dala kong mangga. Nakita ko naman si Kare, isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay. “Kare nasaan si Sy?” I asked her. Agad naman itong sumagot sa akin. “Ay Ser, nasa kwarto nyo po. Hindi pa nga po yon nababa mula kanina. Hindi pa nga rin po nakakapananghalian. Sinubukan nga po naming hatidan ng pagkain kaso ini-lock ang kwarto nyo” Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto namin. Sa tulad nyang nagkaproblema sa kalusugan, hindi magandang nalilipasan sya ng gutom.

I knocked on our room's door. “Sy, love, please open the door” Mahinahon ang boses ko. Nakailang katok pa ako pero hindi nya binubuksan ang pinto. “Babe, please open the door!” Hindi ko alam pero unti-unting dinadagsa ng kaba ang sistema ko. “Babe! Babe, please open this!” Wala pa rin akong nakuhang tugon. Kinuha ko ang spare key ng kwarto na nasa aking wallet. Hindi kasi nag-iiwan ng spare key ng master's bedroom dito sa bahay. Not that we don't trust our employees, nag-iingat lang kami. Lalo na sa panahon ngayon, laganap ang mga kaso ng bahay na nilolooban.




Pagbukas ko ng kwarto ay walang Syringe na bumungad sa akin. Nakarinig ako ng ingay sa banyo. I opened the comfort room's door and there, I saw my wife.

Bigla akong napatakbo palapit sa kanya“Sy!”  Napasigaw ako sa gulat. Bigla kasi itong hinimatay, buti nalang at mabilis ko syang nasambot.


Nakita ko ang muka nya na para bang napakatamlay. Namumutla rin ang labi nya. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula na akong pagpawisan ng malamig. Kahit kinakabahan ako ay nagawa ko pa rin syang buhatin. Isinakay ko sya sa backseat ng kotse at nagdrive ako papunta sa pinakamalapit na ospital. Agad naman syang dinaluhan ng mga nurse at doktor.

Napatulala nalang ako sa pader. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglandas ng mga luha ko sa aking pisngi.

Halos ganito rin 'yon eh! Nahimatay rin sya noong mga panahong nalaman naming may sakit pala sya.











That Charismatic Rapper|FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon