Chapter 30- Cravings pt1

397 15 12
                                    

Syringe Aidcillin

Nagising ako. Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang nahihimbing sa tulog na si Josh. Just by staring at him parang gusto kong matawa. Malinaw pa rin sakin yung tagpo kung saan bigla syang nahimatay sa ospital kahit  dalwang linggo na ang nakakalipas.

I get off from the bed. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto namin. I saw that it's past one a.m na.

Parang nagugutom ako. Parang may gusto akong kainin. Ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng kwarto namin habang finifigure out ko kung ano ang hinahanap ng panlasa ko.

Nag-isip ako ng mga pagkain. Nang dumaan sa isip ko ang shawarma ay agad nanubig ang bagang ko. I want shawarma! I decided to go to the kitchen. Titingnan ko kung may ingredients para sa homemade shawarma.



Pagdating ko sa kusina ay agad akong naghalwat sa ref. Tanging cucumber at tomato lang ang nakita ko.

Napatulala nalang ako. Paano na 'yan? Walang ingredients dito sa ref tapos napakaaga pa. Wala pa yatang bukas na mall sa ganitong oras. Saan ba merong 24hrs na mabibilhan ng shawarma?

Saan nga ba?

Ay sa Alabang! I'm sure meron doon. Nakabili na nga ako doon dati. Doon sa terminal ng bus ng mga pauwi sa Lucena at San Pablo. Tatayo na sana ako para kuhanin ang susi ng kotse nang biglang may yumakap sakin mula sa likuran. Si Josh.

“Bakit wala ka sa tabi ko?” Tanong ni Josh habang nagkukusot pa ng mata. His voice is husky. Yung tipong bedroom voice dahil kagigising nya lang. Parang nanindig ang mga balahibo dahil sa boses nya.

Oh sh*t Syringe! Get a grip on yourself! Nagugutom ka diba?...Singhal ko sa sarili ko.

“I want shawarma”Sabi ko sa kanya. Agad naman na may gumuhit na ngiti sa mga labi nya. He came closer to me then he touched my still flat tummy. “So my baby wants shawarma, huh?” He said while caressing my tummy. Tumingin naman sya ng diretso sa mga mata ko. Hindi maitatago ang sayang mababakas roon. “Shawarma then. What my baby wants, my baby gets” Parang determinado nyang sabi. Gusto kong mapasapo ng noo. Mukang magiging spoiled pa ata itong baby namin.

Jusko! Wag naman sana maging brat!



“C'mon, let's go ang get that Shawarma of yours” He said before he get the car keys. Mula sa Pasig ay pumunta kami sa Crossing. Sabi nya kasi ay may nakita sya noon na bilihan ng Shawarma sa Crossing. Pagdating namin sa sinasabi nyang lugar ay nakita namin ang shop. Kaso, hindi pa bukas! No choice kami kundi bumili sa Alabang. Doon, sure akong meron talaga.




Nang makarating kami sa Alabang ay hindi ko na sya hinintay pang buksan ang pinto para sa akin. Excited akong bumaba. Shawarma, here I come!

Hindi ako nabigo dahil tama ako, naroon ang isang bilihan ng Shawarma na bukas pa. Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Josh. “Tsk. Wag kang tumakbo! I can buy all those Shawarma for you, but please, don't run. Baka mapaano pa kayo ni baby” Parang hinaplos ang puso ko dahil sa mga katagang binitawan nya. Malinaw rin sa mga mata nya ang pag-aalala.

Niyakap ko naman sya. Kapag kasi ganito ang isang 'to ay lambing lang ang katapat. I kissed him on the cheek. Ayokong sa lips no! I'm not a fan of too much PDA.

Nakita ko naman ang pagsilay ng isang magandang ngiti sa mga labi nya. Kita yung braces nya! I chuckled.

He pinched my nose before holding my hand. He intertwined our fingers. “ C'mon babe, bilhin na natin yung pinaglilinhan mo para makauwi na tayo” Marahan nya akong hinila sa kamay papunta sa food stalls. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.

I love this man! Sobra pa sa sobra....








_———-—_————_————

A/N: Sana naenjoy nyo 'tong update. I'm sorry if I wasn't able to update yesterday. Nandito kasi yung mga pamangkin ko kahapon kaya I played with them. So yon, pagod kaya nakatulog agad.
















That Charismatic Rapper|FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon