A/N: Here's a short update! Babawi ako sa susunod na chapter. Enjoy reading!Syringe Aidcillin
Days, weeks and months had past. And I think it's been four months since Josh started to court me. Until now, he's my suitor.
Bilib nga ako sa kanya kasi nakakapaghintay sya. Kung ibang lalaki yan, naku baka isang buwan palang nanliligaw ay sawa na.
Nabalik lamang ako sa reyalidad ng may nagbaba ng pulang rosas at tulips sa lamesa ko. Meron pa itong kasama na pizza.
Tiningnan ko ang naglapag non at napangiti ako nang makita ko si Josh. “Yan ha dinalhan na kita ng pagkain dahil baka mahimatay ka nanaman sa gutom” May pag-aalala sa kanyang boses. Malapit na kasi ang finals at dahil isa ako sa mga candidates sa Latin honors, talagang aral ako kung aral. Ayokong mapahiya. Kaya sa sobrang pagrereview, nalimutan kong kumain kahapon at nahimatay ako.
“Ito na nga po kakain na. By the way, wala ba kayong practice for today?” Pag-uusisa ko sa kanya.
“Meron pero alangan namang pabayaan kita diba? Wag kang mag-alala, maiintindihan naman nila ako” Napangiti nalang ako. Josh is really a sweet guy kahit hindi halata.
Kumain na kami hanggang sa magpaalam sya sakin na babalik na raw sya sa building ng ShowBT.
Hinatid ko sya sa parking lot ng school kung nasaan ang kotse nya. “ Bye, ingat" Sabi ko sa kanya bago pa man sya tuluyang makasaakay sa kotse.
Hinintay kong makaalis ang kotse nya. Nagsimula nakong maglakad papunta sa building ng susunod kong klase.
Ngunit biglang umikot ang paningin ko. Nahihilo ako! Napahawak nalang ako sa pader. Ramdam ko ang panlalambot ng kalamnan ko.
Sh!t ano ba talagang nangyayari sakin? Isang hakbang pa ang ginawa ko pero tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
Ngunit bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahig ay may naramdaman akong maatitipunong braso na sumalo sa akin.
“Sy” Ang salitang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
That Charismatic Rapper|FIN
FanfictionMy friend Sky Andromeda is so crazy about this particular Ppop boy group named SB19. At first nagtataka talaga ako kung anong meron sa grupo na yon. Napakaraming tanong ang pumasok sa isip ko like 'bakit kinababaliwan yon ng best friend ko?' Pero is...