Chapter 4- Bias pt.2

419 24 6
                                    

Syringe Aidcillin

Pumunta kami sa isang café upang doon mag-usap. Doon ay ikinuwento ko sa kanila kung ano ang nangyari.

Kung bakit di napasok ang bestfriend ko at kung nasaan na ito ngayon.

Dahil doon ay di ko maiwasang maging emosyonal.

“She already left Sejun and I don't know when will she come back o kung babalik pa nga ba sya” Nawalan ng imik si Sejun. Sadness is very visible in his eyes. Siguro nga ay may nararamdaman na ito para sa kaibigan ko.

Nagulat nalang ako dahil may tumama sa muka ko na isang pack ng tissue. Tiningnan ko ang pinanggalingan....

Si Josh. “Punasan mo nga yang luha mo. Baka akalain pa ng mga tao dito na pinapaiyak ka namin. Tsaka yung sipon mo oh tumutulo na” Kumuha nga ako ng tissue at ipinunas ko yon sa ilong ko. Tiningnan ko kung may sipon nga.

Wala naman ah!

“Uto-uto” Si Josh. Aba
tuwang-tuwa ang loko. Nakahawak pa sa tyan nya dahil sa sobrang pagtawa!

“Sagutin mo nga ako, b—” Di nya ako pinatapos sa dapat kong sasabihin “Bakit nanliligaw ka ba?” Panandaliang nagloading sa utak ko yung sinabi nya. Oo na, may pagkaslow ako

“Ay pagong. Ang slow mo naman” Aba napipikon na talaga ako sa isang to ah! Irapan ba naman ako!

“Irap ka ng irap. Yung totoo, bakla ka ba?” Nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay medyo kinabahan pa ako. Sh!t baka maoffend to sa sinabi ko at baka magalit sakin.

Pero lahat ng takot na nararamdaman ko ay nawala dahil sa sagot nya. “ Lolo mo, bakla” Aba! Pigilan nyo ako, sinasabi ko na sa inyo baka masapak ko tong isang to!

Member yan ng SB19, Sy. At higit sa lahat, bias mo yan.

Paulit-ulit ko yang pinapaalala sa sarili ko. Sh!t lang talaga. Pag ako napikon, kahit bias ko to sasapakin ko ang isang to

Konting pasensya pa Sy.

Pilit ko yang pinapaalala sa sarili ko dahil ramdam kong mapipigtas na ang pasensya ko.

Pasalamat ka Josh, bias kita!

That Charismatic Rapper|FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon