Special Chapter- 1

446 19 10
                                    


Josh

“SANTOS!” Ang malakas na sigaw ng asawa ko ang bumalot sa buo naming kabahayan. Patay! Galit ata si commander.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tinahak ang daan papunta sa living room. Doon ko kasi narinig na nagmula ang boses.

“Bakit, asawa ko?” Hinihingal at kinakabahang tanong ko. Ang kambal ay nakaupo sa dalawang pang-isahang sofa at nakatungo ang ulo.

Mukang may nagawang kasalanan itong dalawang to. Ako ang patay ko nanay nila pag ganito!

“Yes, babe? Bakit ako hinahanap ng maganda kong asawa?” Pagkatapos kong magtanong ay binigyan ko pa sya ng isang magandang ngiti. Madala ka sa ngiti ko, please. Piping hiling ko.

Pero kung minamalas ka nga naman. Parang lalong nag-alburuto si Sy!

“ Yan, dyan ka magaling! Sa pangiti-ngiti ng ganyan at sa pagpapacute! Sa tingin mo madadala ako ng mga pa-style mo na yan? Magsama-sama nga kayo nitong mga anak mo. Nakakastress kayo! ”

Wala akong ibang nagawa kundi mapakamot sa batok pag-alis ni Sy. Patay! Mukang may susuyuin nanaman ako mamaya.

Nilapitan ko ang kambal na nakaupo sa sofa. “Kids, wanna tell daddy what you've done?” Mahinahon kong tanong sa kanilang sa dalawa. Sa pagitan namin ng asawa ko, si Sy ang strict at disciplinarian.

Agad na lumapit ang kambal sa akin. Nagtititigan sila na para bang nagpapauyuhan kung sino ang magsasalita. “Magtititigan nalang ba kayong dalawa dyan? Case, baby, can you please tell daddy what happened?” Case acts more mature than his twin Chase kaya sa mga ganitong sitwasyon ay sya talaga ang tinatanong ko. Si Chase naman ay may malokong personalidad. Puro kalokohan yan sa katawan.

Napatawag po si mommy sa office because our teacher got mad at us po” Sagot sa akin ni Chase habang nakatungo

“Bakit naman nagalit si teacher sa inyo?” Pagtatanong ko pa uli. Itinuro ni Case si Chase

“It's Chase's fault” Parang sumbong pa sa akin ni Case. Tumingin ako kay Chase na may nagtatanong na ekspresyon.

“We are studying about colors po kasi. Then, our teacher asked us to get our coloring book and choose something to color po. Then I realized something po...” Chase paused for a while.

“Anong narealize mo? Care to tell daddy what it is?” Parang kinakabahan ako sa sagot nitong anak ko ah. Sinabayan pa ng papalapit na yabag ng asawa ko. Sh*t parang tinatambol ang dibdib ko!

“C'mon Chase, tell daddy what you've realized” I said in encouraging tone. Nakita ko ang paghinga nya ng malalim. Patay! Mukang hindi nga maganda ang sasabihin

“Daddy, I asked our teacher if she's a coloring book because of the colors scattered on her face” Nanahimik ang buong paligid. Napahinto rin ang asawa ko sa paglalakad.

Then, the next thing I know is my wife shouting at me...



“JOSH CULLEN SANTOS WAG NA WAG KA TALAGANG TATABI SAKIN MAMAYANG GABI!”




That Charismatic Rapper|FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon