Syringe AidcillinTime passed very fast. Talaga palang ambilis dumaan ng panahon. Hindi ko inakala na aabot kami sa puntong ito. Ngayon ay isang taon na ang kambal namin. Parang dati lang iniidolo ko sya at pinapangarap na maging akin pero ngayon, he's already my husband.
The feeling is really unexplainable.
I styled my hair in a bun at hinayaan ko lang ang mga takas kong buhok. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa asul na tubig ng dagat. Ang tunog na nililikha ng mga alon ay nakakarelax.
We are here in one of the resorts in Batangas. Josh and I decided to celebrate our sons's birthday here with our friends and love ones. Magkakaroon kami ng dinnner with them, yon ang gusto naming uri ng selebrasyon. Others might think that it's too simple, yes, maybe it is, but it will gonna be a memorable one. Isa pa hindi pa naman maaappreciate ng kambal kung magkakaroon sila ng magarbong birthday party.
Napatingin ako sa mga kaibigan ni Josh na nagsisidatingan. Nandito sina Stell, Jah at Ken. Sila lang ang dumating, no wives dahil hindi rin naman daw sila magtatagal dito. Bukas na bukas ay uuwi na rin daw sila.
Tumayo na ako at tsaka umalis sa kaninang pwesto ko. I still needs to check the foods and the place kung saan gaganapin ang dinner. Hangga't maaari ay gusto kong maging hands on mom sa aking kambal. Ansarap kasi sa pakiramdam na naaalagaan ko ang mga anak ko. Ansaya sa tuwing nasasaksihan mo ang mga importanteng pangyayari sa buhay nila like marinig ang unang salitang nabigkas nila, makita ang unang beses na nakapaglakad sila at ang unang beses na tawagin nila akong mommy.
It's 3 pm already. Malapit nang maluto ang ibang pagkain like desserts and appetizers. Ang iba naman ay lulutuin pa lang. I decided to decorate the event hall kung saan gaganapin ang party. Naglagay ako ng banners na may nakalagay na happy birthday. Nilagyan ko rin ng balloons ang ilang bahagi ng hall. Inayos ko ang table skirt. I know how table skirting is because we are taught how to do it way back junior high school. The colors are mixture of blue and white. Malamig sa mata ang mga kulay kaya hindi sya masakit or nakakaasiwang tingnan. Sinet-up ko na rin ang projector.
Kapit-dilim na nang matapos ako. it's already 5:30, I think? I rest for a while before taking a bath. Ayoko namang mapasma no! As soon as I finished taking a bath, I blow dry my hair before wearing my tomato red puff sleeves dress na one inch about the knee, gusto kasi ni Josh na kulay pula ang suot naming apat.
I tied my hair in a messy bun, then I put an oil control powder on my face. Nag-apply rin ako ng lip and cheek tint in a shade of summer kiss.
Paglabas ko ng kwarto ay walang taong bumungad sa akin. Umikot ako sa buong villa namin pero wala talaga akong nakitang tao ni isa.
Saan nagpunta ang mga yon? Paglabas ko ng villa ay may nagtakip ng mata ko. “ Sumunod ka sakin” Sabi ng nagpiring sa akin. Hindi ko makilala kung sino sya dahil halatang ginagamit sya ng voice changer.
I can't say if I'm in danger or not. He's just assisting me and telling where direction should I go. “ Stop!” The stranger who put a blind fold on me said. Namalayan ko nalang ang paglutang ko sa ere. Oh gosh! The stranger is carrying me! Naramdaman kong ibinaba nya ako pero hindi sa buhanginan. Parang gumagalaw kami mula sa aming pwesto.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng ihip ng hangin. “Now, remove your blindfold” Sabi ng isang boses mula sa likuran ko. Unti-unti kong tinanggal ang blindfold ko. Ang unang bumungad sakin ay ang lantern na nagliliparan sa langit. Maging sa dagat ay meron din. Napatingin naman ako sa kinatatayuan ko, kaya pala iba ang pakiramdam. Nasa isang balsa ako ngayon. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita, ang dilim na hatid ng gabi ay naliwanagan dahil sa nagkalat na lantern sa paligin. Kung napanood nyo ang Tangle ay mavivisualize nyo ngayon ang lugar.
“Now, face me” Hinarap ko ang taong pinanggalingan ng boses and I saw my husband. Hinawakan nya ang magkabila kong kamay at tiningnan ako ng diretso sa mata. “ Hi babe! Nagulat ba kita?...It's been almost four years since we get married at nasa dalawang taon na rin mula nang maging asawa kita. Today is our sons's birthday and I want this to be extra special...He paused for a while at tsaka sya huminga ng malalim. I can feel his cold hands. “ Syringe, my wife, you deserve all the best in this world. I know our wedding was not that grand. It's too simple at hindi man lang ako nakapagpropose sayo. So, here I am, asking you for marriage” Nagsimula nang tumibok ng mabilis ang puso ko sa tuwa at kaba. Para akong nakalutong sa alapaap. He slowly bend one of his knees then he pulled out a box from his pocket. He opened it at sumalubong sa akin ang isang gold ring with a diamond in the middle. It looks simple but I know it costs an arm and a leg.
He look lovingly at me. “Syringe Aidcillin Montevessa—Santos, I know I'm not the sweetest guy you can be with. I'm far from being perfect...babe,can you spend your lifetime with me? Will you marry me?” Wala akong ibang nagawa kundi tumango habang umiiyak. Noong una kasi naming kasal ay binigla nya ako. Hindi man lang nya ako sinabihan noon na kasal na namin. Tapos he didn't even proposed to me!
Then now, he made a fairytale come to life.
He inserted the ring on my ring finger. Akala ko ay tapos na ang surpresa nya pero hindi pa pala. “ Look at your right side, babe” Sinunod ko sya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Is this true? Hindi ba ako dinadaya ng mga mata ko?
Sky Andromeda is here!
BINABASA MO ANG
That Charismatic Rapper|FIN
FanficMy friend Sky Andromeda is so crazy about this particular Ppop boy group named SB19. At first nagtataka talaga ako kung anong meron sa grupo na yon. Napakaraming tanong ang pumasok sa isip ko like 'bakit kinababaliwan yon ng best friend ko?' Pero is...