CHAPTER NINE

223 25 7
                                    

" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER NINE

"Aalis na ba kayo mommy, daddy? Aba'y nandito pa naman ako ah." Pukaw ni RW sa mga magulang na maagang gumising para sa biyahe papuntang Baguio kung saan naroon ang kani-kanilang ninuno.

"Ikaw anak kailan ka pa naging artista? Aba'y hindi ka naman namin aabandunahin ah. We're just going to Baguio to gather some information about your sister." Tuloy ay kantiyaw ng ama.

"Tama ang daddy mo anak aba'y himalang nandito ka sa bahay. Nag-away ba kayo ni Khalid?" Sabi pa ng ina.

Tuloy, napakamot siya sa ulo. Ang pagpapasaway niya early in the morning was back fired. Imbes na siya ang mang-aasar hindi na dahil siya na ang inaasar ng mga magulang.

"Mag-ingat kayo sa daan mommy, daddy. Aba'y nararamdaman kong buhay ang kapre and I'm sure of that dahil kailan man ay hindi ako pumalpak sa instinct ko." Sabi na lamang niya.

"Yes iho that's what we feel too and in God's will may malalaman na tayo sa kanya." Tugon ng Ginang saka nagsimula ng lumakad palabas ng kabahayan at tinungo ang garahe.

Nang nawala na sa paningin niya ang mga magulang ay saka pa lang niya pinakawalan ang buntunghininga niya.

"Nakakamiss din ang kapreng iyun sana okey lang siya kung saan man siya naroroon. Ngayon ko lang din napag-isip-isip na parang wala ding tao dito sa bahay kapag wala siyang nag-iingay." Mahinang sabi niya habang nakatingala sa ikalawang palapag ng bahay nila lalo na sa kuwarto ng kapatid.

Nanatili siya sa gano'ng posisyon ng ilang sandali pero nang maalalang may pupuntahan siya'y agad siyang bumalik sa kanyang silid at naghanda.

Sa kabilang banda, dahil sa inis dulot ng panghihimasok ng mga magulang niya sa love life niya'y hindi siya agad nagtungong kuweba bagkus ay sa bahay niya siya dumiretso.

"Mas mabuti pang hindi na ako magpakita sa kanila. Haist pakialaman na nila ang lahat huwag lang ang love life ko." Inis niyang bulong nang nasa harapan na siya ng bahay kaso nanatili siya sa loob ng sasakyan.

Pagod siya sa ilang oras niyang biyahe mula Dagupan hanggang Pilar pero para sa kanyang sanay sa mahabaang biyahe'y baliwala iyun sa kanya kaso mas napapagod siya sa kaisipang nais siyang koalas ng mga magulang sa taong hindi niya mahal. Hindi siya namimili ng maganda at mayaman dahil para sa kanya'y pare-parehas lang naman ang mga puso. Ang mahalaga sa kanya'y mamahalin siya ng tapat at mahal din niya. Kaya nga nag-aalburuto ang damdamin niya dahil doon.

"Bossing maari bang pakiuntog sila mommy at daddy para magising sila sa pakikialam nila sa love life ko? Haist alam ko namang hindi ako pala-simba pero Bossing wala naman akong nilalabag sa mga kautusan mo." Muli ay bulong niya at akmang lalabas na sa sasakyan para papasok sana sa loob pero dahil sa eksenang pumasok sa isipan niya'y agad niyang hinila pasara ang pintuan ng sasakyan saka niya I to pinaharothot.

Kaso!

"Oist bossing, my master nandito ka na pala. Hindi ka nagpasabing nasa daan ka na para naipaghanda kita ng late breakfast at early lunch mo?" Salubong ng male servant niya.

"Tulog pa rin hanggang ngayon ang kapreng iyun? Aba'y anong petsa na? Wala na ba siya talagang balak babangon?" Dismayadong sagot niya dahil sa kaisipang matutulungan siya nito para makalusot sa pakikialam ng mga magulang sa love life niya.

"Alin doon bossing ang uunahin kong sasagutin?" Pabiro pang tanong ni Valdez.

"Matutuyuan ako ng dugo kina papa at mama tapos dumadagdag ka pa Valdez. Aba'y sino ang alaga mo sa amin, ako ba o sila?" Tuloy ay nakasimangot na sabi ni Lucas.

TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon