" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEEFINAL CHAPTER
"Sa wakas ang kapre'y ikinasal na rin. Well masaya akong natagpuan mo na rin ang katapat mo. Congratulations at sana'y magpakarami kayo ng lahi." Abot hanggang taengang ani Anna Lou, ang panganay na anak ng mag-asawang Jullianne Christine at Johnson Reviera.
"Maka-kapre naman ang taong ito'y parang wala sa simbahan dalangin ko nga lang batukan ka ni Bossing." Nakahagikhik namang sabad ni Jillianne.
"Pare-parehas lang naman kayong dapat na batukan ni Bossing dahil umaagaw kayo sa eksena aba'y moment ito ng pinsan natin hindi para sa atin kaya't maari bang tumabi kayo diyan para sa mga bisita?" Pabiro namang sabad ni Benedict kaso ang pinsan nilang tahimik ay biglang sumabad.
"Hindi si Bossing ang mambabatok sa inyo mga pinsan kundi ako with the consent of the priest. Ang iingay ninyo eh aba'y alalahanin ninyong nasa bahay pa tayo ni Bossing. Gusto n'yong sample'an ko kayong lahat?" Ani 'to kaso ang bunsong kapatid naman ni Jillianne ang sumabad.
"The female priest(Charlotte) of the family finally open her mouth. Akala ko'y mapapanis na ang laway mo pinsan, pero type ko iyun ah gusto mong tulungan kitang batukan sila?" Panggagatong pa nito.
Kaya naman ang mga nagsipagdalo sa kasalang Abrasado-Ramos sa Manila Cathedral ay nahawa na rin sa pagkukulitan ng ilan sa mga pinsan ng bride. Sa biglang tingin ay nasa labas lang silang nagkukulitan dahil sa halakhakan nila. Tuloy ang groom na pangiti-ngiti lang ay sumabad na rin.
"Maraming salamat sa inyong lahat mga bayaw, mga hipag. Nakakatuwa talaga kayong pagmasdan na kahit nasa harap tayo ng mga tao'y nagbibiruan pa rin kayo. Okey lang namang tawagin n'yo siya sa paraan na gusto ninyo dahil talaga namang mala-kapre siya sa tangkad. By the way bago pa tayo tuluyang palayasin ni Bossing dito sa pamamahay niya'y tayo na ang kusang aalis. Sa reception na tayo magpatuloy sa walang hanggang katuwaan." Masayang ani 'to.
"Masanay ka na sa aming magpipinsan, though bihira man kaming magtipon-tipon like now but we valued each other to the fullest. Wala pa iyang kulitan na iyan kapag kumpleto kaming lahat lalo na ang bitchichay naming pinsan kaso on labor kaya't hindi sila nakadalo but the three of them(sabay turo sa mga batang kasama ng mag-asawang Samantha at Braxton) are her sons so let's go to the reception at doon ipagpatuloy ang kasiyahan." Sabad naman ni Reynold Wayne.
The bride and the rest of the guests?
Napailing na lamang sila sa kulitan ng ilan sa magpipinsan na kahit ang mismong bride ay hindi nakasingit sa usapan nila samantalang kagaya lang ito ng ibang mga female cousins na madaldal lalo at isa itong abogada. Pero patatawarin daw muna nito ang mga pinsan dahil kasal nito, babawi na lamang daw sa ibang pagkakataon!
------------------------------------------------------------------------------------------
"Pagbalik namin ng ate Grace mo'y kayo naman ni Valdez ang ikakasal Alma." Pukaw ni Lucas sa buntot ng asawa niya."Ha? Sinong ikakasal kuya? Aba'y ikinasal lang kayo ni ate Grace mukhang tinangay na ng hangin ang pag-iisip mo?" Agad na sabi ni Alma na bahagyang tumigil sa pagkain.
"Makasagot ka naman kay bossing parang ayaw mo baby loves? Ayaw mo ba no'n hindi ka mawawalay kay miss Rennie este lady boss na." Panunulsol pa ni Valdez kaya naman ay hinarap ito ng dalaga.
"Baby loves? Sino ang baby loves mo? Susme naman kuya Valdez pati ba naman ikaw ay umaagaw eksena sa mga bagong kasal? Naku jusmio marimar huwag ka ngang tumulad sa mga makukulit na pinsan ni ate." Salungat pa nito kaso halos hindi pa ito natapos magsalita'y sumabad naman ang bride.
"Don't worry Alma dahil alam ko ang damdamin ninyo sa isa't-isa. Kahit gusto kong kasama kayo sa anumang oras pero mas gusto ko pa ring mamuhay kayo na naaayun sa kagustuhan ninyo. I do agree of what Kingkong says nais naming magpakasal kayo at bumuo ng sariling pamilya at all cost. Kahit saan ninyo gustong magpatayo ng bahay magpapagawa kami basta komportable kayong dalawa and your future children." Ani 'to na sinundan din ng asawa.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Ficción GeneralDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions