" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER SEVEN
"Valdez! Valdez! Ah hindi pa ba gumigising ang babaing iyun? Aba'y ilang araw nang tulog ah." Inis na sabi ni Christian Luke o mas kilalang Lucas sa mga kaibigan at pamilya n
Sa lakas ng boses ng amo'y natarantang lumapit ang tagapagsilbi, hawak pa ang sandok at nakasuot ng apron.
"Nasaan ang sunog bossing? Ahh talagang masusunog ang almusal mo bossing kapag maninigaw ka. Gusto mong kakain ng sunog na kanin kaysa sinangag?" Agad din nitong sagot.
Sa katunayan nga lang ay may pagkamasungit ang amo niya. Ito ang bunso sa pamilyang pinananinilbihan niya pero dahil simula pagkabata'y siya na ang kasa-kasama nito hanggang sa nagbinata at sa kasalukuyan. Buntot nga daw siya nito dahil kahit saan ito nagpupunta'y dala-dala siya. Masuwerte siya dito dahil kahit out of the country ay kasama siya. Kung ano ang kinakain nito'y iyun din sa kanya. Iyun nga lang kasing-iksi yata ng puspuro ang pasensiya nito na parang laging may apoy in other word masungit na may pagka-stubborn.
"Ah ang mala-kapreng babaing inampon mo Valdez aba'y wala namang problema sa pera dahil marami tayo niyan pero aba'y paano tayo makakagala niyan? Baka nakalimutan mong may lakad tayo ngayong weekend? Kapag hindi gigising iyan hanngang sa Friday aba'y----ahh! Ikaw Valdez nagiging good samaritan ka na ba?" Kunot-noo pa ring sabi ng binata na halatang nawawalan na naman ng pasensiya.
"Saglit lang bossing at patayin ko ang kalan bago tayo dadako sa morning discussion natin." Sagot niya dito na pilit itinatago ang ngiting pilit kumakawala sa labi.
Kung may higit mang nakakakilala sa alaga niya'y walang iba kundi siya. Sabi nga nila'y mas kilala niya ito kaysa sa mga magulang nito na totoo naman.
"Araw-araw naman tayong good samaritan bossing iyun nga lang masungit ka kasi kaya hindi mo napapansin pero marami kang natutulungan sa maraming paraan. Sa tanong mo kung kailan siya gigising ay dalhin na lang natin sa pagamutan para sila ang mag-asikaso sa kanya pero gano'n pa rin walang makakasagot sa tanong kung kailan siya gigising. Tungkol naman sa lakad natin ay maari din natin siyang isama pero kung kaya ng konsensiya mong basta hayaan na lamang siya'y iwanan na lang natin sa kalsada kung saan natin nakuha noong isang linggo." Pahayag ni Valdez nang nakabalik sa kinaroroonan ng amo.
"Ikaw Valdez dinadaan mo na naman ako sa plataporma mo eh saka paano natin iyan ibabalik kung saan natin napulot eh sa Maynila iyun. Alam mo ba kung nasaan tayo ngayon? Nandito tayo sa pinakasulok na yata ng Ilocos Sur, alam kong alam mo iyan dahil sabi mo'y taga ang lahi ninyo. Hospital ba kamo? Baka nakalimutan mong ilang lugar ang nadaanan natin bago natin napagamot ang babaing iyan bago tayo nagpatuloy? Kaya't huwag mo akong konsensiyahin agahan mo na lang ang paghahanda mo sa gamit natin wala na tayong pagpipilian kundi ang isama siya sa bundok total nandiyan ka namang mag-aalaga sa kanya. Manalangin na lang tayong hindi kriminal ang hawak ng kapreng iyan. Ahhh payatot na kapre ang pangalan niya." Aguuy nahulaan mo saviour ni kapre.
Sa narinig ay napangiti siya(Valdez). Alam naman niyang hindi magagawa ng alaga niya ang pabayaan ang babaing isang linggo nang walang malay. Actually, ito pa ang unang nakapansin dito sa gilid ng kalsada sa may 'di kalayuan ng korte. Isusurender sana nila ito sa mga police ng araw na iyun kaso nagdalawang-isip sila na baka mas mapahamak ito.
"Sa suot pa lang niya'y halatang abogada na siya Valdez kaso hindi natin alam kung kriminal ba o biktima lamang din siya kaya't dalhin na lang natin magiging kargo de konsensiya pa natin siya." Sabi pa nga nito.
They are on their way home in Dagupan, Pangasinan that time at nagmamadali sila dahil may hinahabol sila kaso dahil sa babaing napulot nila sa kalsada'y hindi sa Pangasinan ang tinungo nila kundi dumiretso sila sa Tirad Pass. Ayaw na ayaw ng alaga niya ang kinukulit ito ng mga magulang kaya't bata pa lang ito'y nakabukod na.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Ficción GeneralDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions