" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TWENTY-TWO
"Magandang umaga po sir, it's been a while." Malawak ang ngiting nakabalot sa mukha niya(RG) habang binibitawan ang pagbati sa hepe ng pulisya pero sa kaloob-looban ay kumukulo ang dugo niya na kung maari nga lamang ay patayin na lang niya ito.
"Oh hepe ka pala ng pulisya sir pero mukhang nakalimutan mong kabastusan ang hindi pagsagot sa bati ng isang tao. Are you absent way back then when you're teacher teaches the good manners and right conduct or you just ignoring it?" Tuloy ay sabad Nina Lucas dahil parang nakakita ng multo ang kaharap nila ng kapre.
"Ay grabe ka naman GMRC agad? Baka natatakot lang dahil bumangun ang patay mula sa kailaliman ng lupa." Panggagatong pa ni Rennie Grace.
Iyun naman talaga ang plano nila, ang korneren ito hanggang sa ito mismo ang magsalita tungkol sa involvement nito sa courtroom massacre. Kaso halata namang tauhan ito ni satanas este ng Business Director dahil agad nakahuma at paismid pang sumagot.
"Mabuti naman at bumalik ka na attorney Abrasado nang sa gano'n mawakasan na ang isyu tungkol doon, kaso hindi ka ba natatakot attorney? According to the police that day ikaw daw ang dahilan ng pagkamatay ng lahat dahil sa inilabas mong ebidensiya? Kung ako sa iyo'y mas nanaisin ko pang magtago para maka-survive kaysa lumantad na walang kasiguraduhan ang buhay. You're wasting your life." Paismid nitong sabi na halata namang nang-aasar.
Inaasahan na niyang iyun ang isasagot ng hepe sa kanya pero iba pa rin pala ang siya mismo ang makarinig mula dito. Tuloy ay nais niya itong bugbugin! Kaso nasa teritoryo siya ng kalaban kaya't hindi siya maaring mag-eskandalo baka nakahanda na ang tauhan nito upang pagbabarilin siya.
"Well hindi pa naman ako daga para magtago sa kailaliman ng lupa dahil ako mismo ang maglilibing sa mga taong naging sangkot sa massacre na ang iba'y nasa tabi-tabi at nangangatog na ang tuhod. I am the only survivor of that accident but I know so well who are those wrenches who killed all the people just because of grudges to me. Maiwan ka na namin diyan hepe baka pisahin ka ng kingkong! Beware chief of police I'll not just sit and wait that you will try to eliminate me again, but if you'll be caught because of that I can't guarantee your safety." Pasaring niya dito saka binalingan ang kasama.
"Let's go Kingkong I'm starving na." Sabi niya dito.
"Ay grabe ka naman Kapre aba'y nag-agahan na tayo sa bahay n'yo kanina ah. Baka naman porket sinabi kong magpataba ka'y kain ka na ng kain?" Sulsol pa ng binata.
"Well walang GMRC kasi ang dinalaw natin Kingkong hindi man lang mag-alok ng kahit tubig man lang sana." Aniya na hindi malaman kung bulong ba dahil dinig na dinig naman. Iyun nga lang sadyang inaasar niya ang hepe na halatang hindi maitago ang takot. Well it's pay back time lalo at nasimulan na niya sa business director.
"Okey let's go kapreng payatot." Pabulong ding sagot ni Lucas saka inilahad ang palad kaya naman imbes na tanggapin ang palad ay umangkla pa ito na kulang na lang ay hilain siya palabas ng presinto.
Pagkalabas nila'y akmang bibitaw na sana siya(RG) dahil baka isipin pa ng kingkong na namimihasa siya kahit pa sabihing bahagi iyun ng usapan nila habang nasa daan sila patungo sa presinto.
"Huwag kang malikot Kapre manatili kang nakakapit dahil may matang nakasaunod." Bulong ng binata sa kanya.
"Peste mga iyan eh. Kundi lang sana kasalanan kanina ko pa pinagbabaril mga iyan. I'm sure tauhan ni hepe ang mga naghihintay na iyan." Paanas din niyang tugon.
"You're wrong darling it's business director not the chief of police kaya't maging alerto ka malay natin masabak tayo sa karera ngayon." Muli ay sagot ni Lucas.
![](https://img.wattpad.com/cover/225084099-288-k425935.jpg)
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Genel KurguDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions