CHAPTER SIXTEEN

257 23 15
                                    

" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER SIXTEEN

"So final na ang desisyon mong iyan miss Rennie?" Kung makailang tanong ni Valdez sa dalaga'y lumampas na sa bilang ng daliri niya.

"Ako ang naririndi sa iyo Valdez aba'y pang-ilang beses mo na bang naitanong iyan?" Tuloy ay sita ng binata.

But deep inside of him(Lucas) he's hoping too that Kapre will change her decision but what he can see on her radiant face has no point of turning back. Her reasons are acceptable so he must let her go even his heart is aching on it. And yes! He's sure of his feeling already for her but he know very well that it's not yet the right time specially that she told him to finish first her unfinished business.

Kaya naman ang dalaga'y napangiti, bihira naman kasi siyang makasaksi ng gano'ng relasyon ng amo/tauhan. Masaya siyang nakilala niya ang dalawa at kahit ilang buwan lang na nakasama sila'y mahirap na ang iwan sila. Kung hindi nga lang dahil sa taong ilang buwan din na hindi niya nakita na nagbabadya ng kulog sa pamilyang tumulong sa kanya o mas tamang sabihing naging instrumento sa pagkakaroon niya ng panibagong buhay mula ng nangyari ang massacre ay mas nanaisin pa niyang manirahan sa piling ng dalawa.

"Naalala ko si Alma sa katauhan mo kuya Valdez. Kapag magsama siguro kayo'y maganda ang bonding ninyo. I miss her alot too." Pagitna niya sa mag-amo.

Nauunawaan din naman niya ang nararamdaman nila pero hindi niya kayang isipin na may malalagay na naman sa panganib dahil sa kanya. Sapat na ang mga death threats na naranasan niya at higit sa lahat ayaw na niyang maulit muli ang courtroom massacre.

"Therefore kailangan mo siyang isama dito Kapre pagbalik mo baka sakaling magkagustuhan sila at makapag-asawa naman itong kapatid kong 'to." Pang-aasar pa ni Lucas pero sa kaloob-looban niya'y hindi pa umaalis ang dalagang malakapre ta tangkad kaso namimiss na niya ito.

"Iyun ay kung hindi aso at pusa version Kingkong dahil kagaya ko lang na matigas ang ulo no'n pero trusted and reliable siya I can guarantee it. Walang problema diyan dahil kung may buntot kang si kuya Valdez, mayroon din akong Alma. Kaso bago pa mapunta kung saan-saan ang usapan nating ito'y halina kayo't kausapin na natin ang mga magulang mo." Muli ay aniya ng dalaga saka nagsimulang lumakad kaya't wala na ring nagawa ang dalawang lalaki kundi ang sumunod.

Samantala, ilang araw na silang nagmamasid sa tahanan ng mga Ramos pero wala naman silang napala, wala namang kakaibang nangyayari kaya't napagdesisyunan nilang babalik na sa Manila kung saan naroon ang main branch ng kumpanyang hawak nila.

Kaso!

"Boss may naghahanap sa iyo nasa labas, papasukin ko ba?" Ani Danilo sa amo.

"Who?" Balik tanong ni Arturo.

"Hindi ko kilala bossing pero mukhang mahalaga ang sasabihin sa iyo." Tugon niya dahil hindi naman talaga niya kilala ang babaing naghahanap sa boss nila.

"Go and bring her in." Sa wakas ay sang-ayun ni Arturo makaraan ng ilang sandaling pananahimik.

Hindi nga nagtagal ay bumalik si Danilo na may kasamang babae. Pamilyar ito sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

"Hinahanap mo daw ako iha? May nais ka bang sabihin? By the way maupo ka muna at magpapahanda ako ng meryenda." Salubong niyang sabi.

"Huwag na sir maraming salamat na lang po. Ang makausap ka at masabi ang aking pakay ay okey na pero mukhang paalis na kayo ah." Tugon naman ni Mary Grace.

"Yeah we're preparing our leave to be back in our homeland. By the way, do you know me? Kasi ikaw man ay pamilyar lang sa akin kaso hindi ko matandaan kung saan kita nakita." Muli ay sagot niya(Arturo) na lihim ding pinag-aaralan ang taong kaharap.

TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon