CHAPTER SEVENTEEN

245 22 11
                                    

" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER SEVENTEEN

"Buhay na buhay ka palang babae ka pero anong naisip mo't hindi ka man lang nagparamdam kahit sino sa amin? Gusto mo na ba talaga kaming mamatay sa pag-aalala sa iyo?" Salubong na sermon ni Artemeo II sa dalagang inakala nilang patay na dulot ng courtroom massacre.

"Grabe ka naman pinsan maari bang patuluyin mo muna ako?" Baliwalang sagot niya(Rennie Grace). Hindi naman siya galit dahil nauunawaan niya ang bawat pag-aalala nila sa kanya. Kaya nga dinaan na lamang niya sa biro kaso wrong move dahil dumating mas amasona sa kanyang kahit may asawa na'y bitchichay pa rin pagdating sa trabaho.

"Sigurado ka bang buhay pa ang kaharap mong iyan Dos? Aba'y kurutin mo sa singit baka naman nag-iilusyun ka lang niyan pinsan? Naku kung ako sa iyo'y puntahan mo na ang mga albularyo upang ipakita mo siya o 'di naman kaya'y pauwiin mo dito sa Baguio ang Reviera na iyun upang ipakunsulta natin siya." Wika nito.

Well, gano'n naman kasi silang magpipinsan mahilig sila sa biruan. Tatak Aguillar ika nga nila.

"Susme naman bitchichay abalahin mo ba si kuya na nasa Manila? May prestigious hospitals naman dito sa Baguio ah. Ang sabihin mo'y ang magulang buy any naging lagari ang tawagan upang ipaalam na buhay na buhay ang payatot na kapre ayun kay insan RW." Ani pa ni Artemeo II.

Kaya naman kahit pagod siya sa biyahe'y hindi niya napigilang napahalakhak. Iyun na nga ang sinasabi niya, ang mga pinsan niyang dinaig pa magulang niya. Sabagay bagay lang naman kasi nila dahil mga alagad naman sila ng batas. Kaso bago pa siya mapingot ng bitchichay niyang pinsan ay inunahan na niya. Ipinaliwanag niya ang kabuuan ng plano para sa pagtimbog sa suspect.

"Gano'n pa man iha you must go home or call them to tell how's your condition. Walang magulang na hindi makakaunawa sa paliwanag ng anak. Maraming salamat at buhay ka kaya't go and tell your mother's side too that you're alive. Tama ang mga pinsan mong naging lagari ang mommy at daddy mo." Sabad naman ng tiyuhing si John Chester.

"Opo tito I'll do it. Pagkatapos ko dito'y dadaan muna ako diyan kina great grandma saka ako tutuloy kina lola Dennise." Tugon niya(Rennie Grace) sa lumingon sa mga pinsan.

"I'll need your help mga pinsan. I need to corner that demon kaso mukhang namamayagpag pa. Kailangan nating putulin ang pakpak niya para hindi na makahasik ng lagim. Wala nang kasing-sama ang demonyong iyun nakarating na sa Dagupan. Nais pa yatang biktimahin ang pamilya ni Kingkong but I'll never let that happen and it will happen to stop his treacherous deeds I'll need both of your help my dear militar cousins---- hey you two what's the matter wrong with you? What's so funny?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Sa haba ng pahayag niya'y nagkatawanan lang ang dalawa.

Kaso iba naman ang isinagot ng dalawang sutil!

"Ano sa tingin mo Dos? May kakambal na ba ang pinsan nating Kapre?" Nakatawang tanong ni Bitchichay.

"Sa tingin ko'y oo pinsan kong Bitchichay. Malamang ang Kingkong sa kagubatan ang sumagip sa kapre mula sa bingit ng kamatayan kaya't pinalayas ni Satanas at heto siya sa harapan natin." Sagot naman ni Artemeo II sa pagitan ng pagtawa.

Sa narinig na pahayag ng dalawa'y saka pa lang tumino sa isip niya binitawang salita kaso inunahan naman siya ng tiyuhin sa pagsagot niya sana.

"Kayong dalawa diyan ha pinagluluko n'yo ang pinsan ninyo. Hala pag-usapan ninyo kung paano n'yo pipigilan sa paglipad ang demonyong tinutukoy ng pinsan n'yo." Nakailing na sabi nito.

"Okey lang iyun tito dahil totoo namang may Kingkong sa Dagupan. Siya ang sumagip sa akin mula sa bingit ng kamatayan. Kaya ko lang siya pinangalanan ng kingkong ay tinawag akong kapre sa pagdilat ng mata ko after two weeks in coma. I was dreaming that time na sinapak ko daw dahil tinawag akong kapre iyun pala'y hindi na panaginip and besides sa mahiwagang kuweba ko sila nakamulatan kaya't iyun ang pangalang ibinigay ko sa kanya." Kakamot-kamot sa ulong sagot niya(Rennie Grace).

TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon