" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FIFTEEN
"Anong balita mommy? May lead na ba kayo kung saan napadpad si kapre since the accident?" Salubong na tanong ni Reynold Wayne sa ina.
"Ikaw anak negosyante ka ba o imbestigador?" Tuloy ay panunukso nito.
Kaya naman napakamot siya sa ulo dahil totoo nga naman, nagtanong agad siya imbes na kumusta hin sila. Nakadalawang balik na rin ang mga magulang niya sa Baguio upang makipag-ugnayan sa mga relatives and friends nila doon dahil ayun sa lihim na pag-iimbistiga ng grupo ng kanyang ama'y may survivor ang courtroom massacre few months ago. Para sa kanilang hindi nila natagpuan ang kapatid niya'y siguradong ito(kapre) ang only survivor.
"Nadali ka na naman ng mommy mo anak. Hindi mo pa nga kasi kami kinukumusta'y interrogation na agad but by the way ayun sa kampo ni General Aguillar malaki ang tendency na may nakakita sa kanya or tumulong at ayun din sa kanya'y buhay ito at kung ano man ang rason niya na hindi nagpapakita sa atin ay iyan ang hindi natin alam. Ang tangi nating magagawa ngayon ay ipanalangin na nasa mabuting kamay siya." Pahayag ng ama.
Paano kasi ang ina niyang may edad na pero mahilig pa ring manukso!
"Nararamdaman kong malapit ng magpakita ang kapreng iyun daddy, nakakamiss din eh. Itong si Alma nga'y nakikita ko pa ring napapatulala sa harap ng kuwarto niya. Kung hindi ako nagkakamali'y siya din ang araw-araw na naglilinis doon." Sagot na lamang niya(RW).
"Yes anak hindi natutulog ang Diyos at buhay ang kapatid mo sigurado ako diyan. A mother's instinct never fail." Saad naman ni Janelle.
Ang malaman nilang buhay ito'y masaya na sila. Kahit pa sabihing wala pang nakakaalam kung nasaan ito.
Samantala, sa aksidenting nangyari sa mismong annual party na ihinanda ng pamilya Ramos ay naging usap-usapan ito. Keyso daw ganito, keysa daw ganyan pero para sa mag-asawang Ramos ay hindi pa rin makapaniwalang nagka-"manugang" sila ng abogada na wala yatang kinatatakutan samantalang well-known human being naman ang binangga nito.
"Ano kaya kung kausapin natin siya asawa ko?" Tanong ng Ginang sa asawa.
"Puwedi rin asawa ko pero pakiramdam ko kasi'y may itinatago silang dalawa eh. Look alam kong lagalag ang anak natin na kung hindi pa natin pinipilit umuwi'y hindi na nagagawi dito. Wala nga tayong nababalitaang may pinopormahan tapos asawa agad? Do you get what I mean asawa ko?" Tugon ni Mr Ramos.
"Well aminado naman akong may pagdududa ako kanilang dalawa. May pakiramdam akong nagtutulungan lang sila. Kumbaga tinutulungan ng "manugang" natin ang "asawa" at gano'n din kay Lucas." Sagot naman ng asawa.
"Kaya nga asawa ko mas mabuting kausapin natin siya dahil hindi natin alam kung ano ang dahilan niya at bakit pinasok niya ang pamilya natin. Ramdam ko kasing hindi siya basta-bastang tao, sabi nga niya'y siya lang ang survivor sa courtroom massacre few months ago. There are two options it's either abogada siya ng biktima o ng suspect or a witness." Muli'y sabi ng Ginoo.
Kaya naman napagkasunduan nilang mag-asawa na puntahan ito baka sakaling matiyempuhan nila itong nag-iisa. Para naman kasing may aagaw dito sa ginagawa ng anak nila, lagi itong nakadikit(baka nga daw mabuking sila!). Kung hindi ang bunso nila ang kaharap nito'y ang buntot naman nitong si Valdez. Gano'n pa man kahit iilang araw pa nila itong nakakasama'y nakapalagayang-loob na ang mga kasambahay nila. Palabiro, sutil, ito ang una nilang napansin sa ugali kaya't hindi nila masisisi na laging nakadikit dito ang anak nila.
Sa kabilang banda, dahil ilang araw na rin sila sa bahay nila'y naisipan niya(Lucas) na ipasyal din ito sa Dagupan. Paraan na rin niya iyun upang alamin kung ano ang tunay na pangalan, kung ano ang uri ng pagkatao. Sinabi na nito na isa itong high ranking lawyer sa korte kaso hanggang doon lang talaga ang alam niya.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Ficción GeneralDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions