Prologue

1.9K 36 2
                                    

My bag is heavy but I still manage to walk towards Leina. She is wearing all black. Nagmumukha siyang intruder sa kasalang magaganap ngayon.

I was panting when I got near her. Napatingin siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin.

"I'm so bored na Ricka and naiinis na ako sa taong tumitingin sa akin!" Naiinis na saad niya.

Inilagay ko ang bag sa upuan malapit sa kanya. Nakapameywang na humarap ako kay Leina pagkatapos.

"Tanungin mo muna kung anong sinuot mo ngayon. Jusko! Hanggang ngayon ba naman ay bitter ka! Wag ka ng maging ampalaya friend! Madami na kayo" komento ko.

Umikot ako para umupo sa upuan at sumandal. Napapikit pa ako habang minamasahe ang sintido ko. God! This is a tough day for me.

"They are being judgemental Ricka! Porket I'm wearing all black, bitter na kaagad?!" Narinig kong litanya niya sa harapan ko. 

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagmamasahe sa sintido.

"Atsaka, I don't care about my ex getting married. Akala naman niya ang ganda ganda ng papakasalan niya! Pareho silang pangit! Chaka!" Dumilat ako at tiningnan siya.

"Bitter ka nga" sinabayan ko ng pagtango at muling pumikit.

"I'm not! I'm just telling the truth!" narinig kong tumabi siya sa akin sa pag-upo. Napabuntong-hininga ako at dumilat ulit saka umupo ng maayos.

Lumingon ako sa kanya.

"Ininvite tayo ni George dahil kaibigan niya tayo" tukoy ko sa ex niya.

Tumingin siya sa akin.

"Susuportahan natin siya sa kanyang kasal, hindi maging intruder okay? Kaya magbihis ka ulit dun" turo ko sa dressing room.

Nakasimangot na pinagkrus niya ang magkabilang braso niya sa kanyang dibdib.

"Argh!" Padabog na tumayo siya at naglakad patungong dressing room. Napatalon ako ng mahina nang buong lakas niyang isinara ang pinto nito.

Napailing nalang ako. Kinuha ko ang mabigat kong bag na dala-dala kanina. May kinuha lang akong dress doon. Nakasupot pa iyon. Inirenta ko lang naman ito sa bridal shop. Nag-iipon pa ako para sa renovation ng bahay namin ng pamilya ko.

Tumayo ako at pumunta sa dressing room kung saan pumasok si Leina. Nakita ko siyang sinusuot na niya ang tube dress na mas bagay pa sa black na sinuot niya kanina. Mas nagmukha siyang anghel kaysa kanina.

She flips her hair and combed it using her bare fingers. Nang mapansin niya ako ay lumapit siya sa akin at hinila ako upang iharap sa full-length mirror.

"Do I look better?" Napangiti ako at tinapik ang kanyang kaliwang balikat.

"Mas nagmukha kang mabait Leina" ngumiti ako.

May sumilay namang munting ngiti sa kanyang labi. Napatingin siya sa dala ko.

"You should also change. Hihintayin kita rito" umalis siya sa harapan ko at umupo muna. Her back is facing me.

The wedding was fabulous. Well-organized and the theme was perfect. I smiled when George and his bride are about to kiss. We all clapped and cheering them. Nangingibabaw talaga sa simbahan ang kantiyaw ng mga lalaki. Napatingin naman ako sa grupo nila. Based on their aura, they are from rich family. Common friend siguro ni George ang iba.

Hindi ko namalayang tumagal ang titig ko sa kanila. Akmang iiwas na ako ng paningin sa kanila nang may mamataan akong lalaking nakatitig rin sa akin.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon