Kakatapos ko lang kumain ng almusal kasama sina Mama, Kuya, Rina and of course Drew. Naligo kaagad ako at nagbihis ng uniform. Maaga akong papasok ngayon para makapagreport.
Hindi ko naman maiwasang makita sa saang sulok ng bahay si Drew. Hindi naman talaga kalakihan ang bahay namin, magkikita at magkikita kami ni Drew.
But as long as I tried to avoid him, mas gumagaan ang pakiramdam kong sabihin kay Irvan ang ginagawa ko.
Madalang lang kami mag-usap ni Drew. Important matters lang yung pinag-uusapan namin and viola! hindi naman siya nangungulit.
Mabait na tao si Drew. I never suspect him as a traitor or a bad person. Wala sa aura niya. It's just, nagagalit si Irvan kapag nagkita sila. I don't know why.
Palabas na ako sa kwarto nang mabungaran ko si Drew na lumabas rin sa kwarto nito. Napatingin siya sa akin nang makatingin ako sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya. Seryoso naman itong nakatingin sa akin. Akmang lalagpasan ko sana siya nang magsalita ito.
"Going to school?" Tanong niya. Napalingon ako sa kanya. Tumango ako.
He is wearing a businessman suit. Sa hula ko ay pupunta na rin ito sa sinasabi niyang pupuntahan sa Manila.
"Pwede bang makigamit sa kotse mo?" Nagulat ako. Kakaiba talaga si Drew.
Namalayan ko ang sarili kong tumango sa harapan niya. Ngumiti siya.
"Thank you" pagpapasalamat niya.
"Ako na ang maghahatid sa'yo sa paaralan then didiretso na ako sa company na pupuntahan ko gamit ang kotse mo" sabi niya.
Napakurap-kurap ako. Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse.
"Eto" tinanggap naman niya.
Ngumiti siya sa akin. Naiilang na umiwas ako ng tingin at dumiretso sa pagbaba ng hagdan. Nakakailang hakbang ako nang marinig kong nagsasalita si Drew sa tabi ko.
"You're curious right?" Napatingin ako sa kanya. Nagpatuloy kami sa pagbaba hanggang sa makarating kami sa pintuan.
"Saan?" Tanong ko.
Humarap siya sa akin.
"Kung bakit kami magkakilala ng boyfriend mo" sagot niya.
Umayos ako ng tayo.
"If you have a free time. I'll answer your questions willingly. Hindi ko gustong maging clueless ka" sabi niya.
Natunaw ang puso ko. After all, he has a good heart. Alam niya ang gumugulo sa utak ko.
I smiled at him.
"Salamat Drew" sabi ko. Napangiti naman siya at tumango.
"Alis na tayo" anyaya niya. Napatango nalang ako at sabay na naglakad paalis sa bahay.
Siya ang nagmamaneho ng sasakyan ko hanggang sa makarating kami sa paaralan. Then, he drove fast after niya akong maihatid. Maybe, he is catching up the time. Nagmamadali siya sa paraan ng pagmamaneho niya.
And about sa sinabi niya kanina sa bahay, papatulan ko iyon. I want to know their pasts. Hindi ako pwedeng maging tagahula lamang. Hindi ko gustong mag-away na naman si Irvan at Drew sa oras na magkita sila.
At kapag nalaman ko ang nakaraan nilang dalawa, maybe I could help them. Baka matulungan ko silang hindi na mag-away.
Sumapit ang lunch break ay nasa loob lamang ako ng faculty at kasama ang ibang mga teachers. Hindi na muna ako kakain ngayon dahil pinangakuan ko si Irvan na magdedate kami ngayon but hindi man lang siya nagreply sa message.
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...