Chapter 18

367 11 0
                                    

A month passed by, mas nag-improved ang relationship namin ni Irvan. He kinda understand me and he knows my choice. Pati na rin ako, alam ko kung saan ko siya masusuyo. What is his choice?, Ano ba ang gusto niya? etc.

We are getting matured na parang mas pinapahalagahan namin ang sarili naming desisyon at pilit na iniintindi namin sa isa't-isa in a short span of time.

One month pa lang pero ang daming nag-improve and at the same time ang daming nagbago.

Everytime, I get along to my close friends, a male friend, naiinis siya, nagseselos palagi.

Sabi niya, makikipaghiwalay raw ako sa kanya, hindi ko na siya mahal and that is not true.

I love him. I really love him. Para bang nasa kanya na ang buhay ko. He is my life. Ang sarap talaga magmahal kapag mahal ka talaga ng mahal mo. And I've witnessed it. Kay Irvan mismo.

He never failed to show me his love. Kaya lang ayun, ang dali niyang magselos.

Nung una, I find it nakakakilig pero kalaunan, ako na ang naiinis sa kanya. Siyempre, I talked to him to make it clear. Ayokong nangunguna siya dahil lang nagseselos siya kaagad.

And he understand it naman. Ang swerte ko dahil he loves me. Mahal ko rin naman siya at wala akong planong bitiwan pa siya.

Kaya kahapon, we celebrate our first monthsarry. Sabi ko sa kanya, gumagastos lang siya but ayaw niyang magpaawat.

He brought me in an elite restaurant. Nahihiya nga ako dahil hindi ako bagay sa ganoong klase na lugar. Isa lang akong basura sa paligid. But he gets mad when I looked down on myself. Nagagalit siya kapag pinagkukumpara ko ang sarili ko sa taong nasa restaurant na iyon.

He's so sweet. Wala na yata akong maihihiling pa. He's one of a kind type of a boyfriend.

"Kanina pa ako nagugutom Ate Ricka! Itlog ang gusto ko!" Nagmamaktol na saad ni Rina sa likuran ko.

Linggo ngayon and it means free day  ko. Magpapahinga ako, matutulog, manunuod ng TV but iba yata ang ginagawa ko ngayon.

Wala kasi si Mama ngayon dahil may pinuntahan siyang kamag-anak namin sa Bulacan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon, anong sadya niya. Pero kasama naman niya si Kuya.

Kotse ko ang ginamit nila para bumiyahe. Ayos lang naman sa akin dahil wala rin naman akong lakad ngayon.

Sumimsim muna ako ng kape sa tasa ko at ibinaba iyon.

"Itong hotdog nalang Rina! Naghahanap ka pa!" Kinuha ko ang mainit na hotdog sa plato at inilagay sa kanya.

Nalate nga itong bumangon dahil napuyat na naman kagabi sa paglalaro ng apps sa cellphone niya.

Sa mature ng pakikipag-usap niya sa akin, obvious namang alam niya kung paano gumamit ng cellphone.

Kaya lang, ang bata pa niya. Tapos naeexpose na kaagad siya sa radiation. Masisira ang mata niya kapag nagkaganun.

Minsan kinukuha ni Mama yung cellphone niya kapag umabot na sa alas otso at hindi pa rin siya natutulog.

"Ricka naman! Gusto ko itlog! Ayoko ng hotdog! Hindi masarap!" Halos mapaadyak na siya sa kaniyang upuan.

Naiiling na tumalikod ako sa kanya at kumuha ng dalawang piraso ng itlog sa refrigerator. Para sa akin itong isa, ang unfair naman kung walang akin 'diba?

Binate ko muna ang dalawang itlog sa maliit na bowl at nilagyan ng saktong vetsin at asin.

Inilagay ko na ang kawali sa stove at binigyan ko na ng apoy. Naglagay na rin ako ng oil nang makita kong uminit na ang kawali. Hahaluin ko na sana ang itlog na nasa bowl nang mapatingin ako sa gawi ni Rina dahil tumunog iyong cellphone ko.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon