Kinabukasan ay hindi maganda ang araw ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ako halos makakain sa bahay. Hindi pa rin ako nakaligo. Hindi man lang ako naghilamos.
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil kay Irvan at sa putanginang baby niya. Iniisip ko lang iyon ay para akong nasa impyerno dahil umiinit ang buong katawan ko pati dugo ko.
Nanghihinang pumasok ako sa banyo upang maligo pero dumaan ang 30 minuto ay hindi pa rin ako nakaligo. Tulala pa rin ako. Iniisip ko pa rin sila.
Nagising ang diwa ko sa kalabog ng pinto sa banyo. Napatingin ako.
"RICKA!? ANONG NANGYARI DIYAN!? BAKIT MO NILOCK ANG PINTO NG BANYO MO!?" sigaw ni Mama. Napatayo ako at malamyang binuksan ang pinto.
Tumambad sa akin si Mama na may dalang tuwalya at naghihisteryang tumingin sa akin.
"Bakit hindi ka pa naligo!? Ano bang nangyari?! Mag-aalas otso na! Jusko!" Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko.
25 minutes nalang ay mag-aalas otso na. Bigla kong sinara ang pinto. Nagulat ako nang hinampas naman ni Mama ang pinto ng banyo.
"BILISAN MO ANG PAGLIGO AT KAKAIN NA!! NAIINIS NA AKO SA'YO HA! KAGABI KA PA GANYAN! SINABI SA AKIN NI DREW!" napapikit ako sa inis.
Bakit kailangan pang sabihin ni Drew kay Mama? Kaya nga ako todo iwas kay Mama dahil ayokong makita niya akong ganito ang mukha ko. Para akong stressed na ewan.
Dali-dali akong naligo at nagbihis na rin. Dahil Martes naman ngayon ay nagslocks nalang ako. Wala rin namang maayos na klase ngayon dahil pirma na ng mga clearance ng mga estudyante.
Kailangan rin naman ang presence ko doon dahil hindi ko pa napipirmahan ang clearance ng mga estudyante ko. Malamang may inilagay na silang requirements sa table ko ngayon.
Lumabas ako sa kwarto. Nakita ko kaagad ang apat na kumakain sa hapagkainan. Napatingin silang lahat sa akin. Bumaba kaagad ako ng hagdan. Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Drew. Sinadya ko nalang mapatabi sa kanya para kausapin siya ng maigi.
Naiinis ako sa kanya kagabi palang. Parang alam niya ang lahat ng nangyayari sa amin ni Irvan. Napahinto naman ako. Unti-unti akong lumingon kay Drew.
'We were a close friends' rinig ko ang boses ni Drew sa isipan ko.
Magtatanong kaya ako sa kanya. Alam na alam niya lahat. Dahil magkaibigan sila ni Irvan. At sigurado akong alam niya kung sino ang putanginang baby ni Irvan.
Napalingon si Drew sa akin. Pinandilatan ko nalang siya ng tingin at kumuha ng plato sa tabi ni Rina. Sumandok na ako ng kanin at ulam.
Pasimple kong nilagay ang ang kaliwang kamay sa ibaba para kurutin sa hita si Drew. Napangisi ako nang mahina siyang napatalon sa tabi ko.
Nagsimula akong kumain at inilagay ang kaliwang kamay sa mesa. Napatingin rin ako sa kanya.
"Anong nangyari sa'yo Drew?" Tanong ni Mama. Ngumisi ako.
Lumingon si Drew sa akin pagkatapos ay hilaw itong ngumiti kay Mama. 'Yan ang dapat sa'yo! Masyado kang pakialamero, sumbungero pa.
"W-wala po Tita. May langgam lang po. Nakagat iyong hita ko" napangisi ako lalo.
Langgam pala ha.
"Oh? Bakit ang tagal mong matapos kumain diyan? Alas otso na Ricka!" Napaayos ako ng upo. Sinimangutan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Narinig ko ang pasimpleng bulong ni Drew sa akin habang ngumunguya siya.
"Karma strikes you Ricka" sabi niya. Umirap ako sa kawalan. Kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...