Chapter 3

638 17 1
                                    

Mga twelve ng tanghali natapos ang klase ko sa Section Sanderella. Bitbit ang libro at class record ay payapa akong naglakad patungong faculty.

Bigla nalang akong napatigil nang may humarang sa dinadaanan ko. Umangat ang tingin ko.

Uminit ang dugo ko.

"Nice seeing you again babe. How's your class?" Casual na tanong niya.

Napailing ako at hindi na nagsalita. Pagod na akong makipagbuno sa lalaking ito.

Nakakaisang hakbang lang ako ngunit hinarangan niya kaagad ako. Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko at nilalaro niya pa ang ibabang labi gamit ang kanyang daliri. Pinipitik niya iyon habang nakatingin sa labi ko saka ibinalik ang tingin sa akin.

Napairap ako. Ang manyak talaga.

"Huwag ngayon Irvan ha. Huwag ngayon. Pagod akong makipag-usap sa'yo" Nakangisi lang ito.

Sarap talaga patayin.

"Napagod ka sa halikan natin kanina?" Hinampas ko sa kanya ang libro ko. Ilag naman siya ng ilag habang ako ay walang tigil siyang pinaghahampas. Bwisit na lalaking ito! At anong napagod sa halik!?

"Walanghiya ka! Napakamanyak mo!" Iritang saad ko. Tawa lang siya ng tawa habang umiiwas.

Nang mapagod ako sa kakahampas sa kanya ay napahinga ako ng malalim. Malabong mananalo ako sa kanya.

Ang gusto ko lang naman ay magpahinga at kumain! Hindi itong binibuwisit na ako kaninang umaga pa.

"Lumayas ka sa harapan ko Irvan. Mapapatay talaga kita" napapatingin ang ibang mga estudyante sa amin.

Masyado na ba kaming nakaagaw ng atensyon?

Nakapamulsa siyang nakatitig sa akin. Nagtama ang aming paningin. There's something on his eyes that I can't explain. There's a mixture of joy? Happy? Lust? What the hell I am thinking?! And admiration? From who?

Naipilig ko ang aking ulo at iwinawaksi sa isipan ko iyon.

"I can't imagine myself addicting on your lips. But here I am, craving it for more" uminit ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya.

Pinaghahampas ko siya gamit ang dala kong libro. Walanghiya talagang manyak na'to! Natatawang umiilag siya sa akin habang sige pa rin ako ng sige sa paghampas sa kanya.

"Haha! Easy! I am just telling the truth! Your lips are addicting" sabi niya pa.

Nang mapagod ako sa kakahampas niya ay huminga ako ng malalim at napailing. Kahit kailan ay hindi ako mananalo sa lalaking ito. Nakakapanindig balahibo. Yung tipong nasa isang horror film ka. Lahat nalang ng sigaw na meron sa akin, ginawa ko na pag nagkataon.

"Tigil-tigilan mo ako ngayon Irvan" Padabog akong nilagpasan siya. Napapatingin pa sa amin ang ibang estudyante.

Nababalot na ng inis ang buong aura ko ngayon dahil sa buwisit na manyak na iyon. Naramdaman kong nasa likod ko siya at sumunod sa akin.

I ignored him. Nakita kong halos lahat ng English co-teacher namin ay nasa kanya-kanyang pwesto na ng table nila. Bumati ako sa kanila. Gumanti rin sila at ngumiti. Humina ang pace ng lakad ko at nagtungo sa mesa.

Laking gulat ko nang pumasok ang walanghiyang Irvan at nakuha pang umupo sa couch. Prenteng nakaupo at sumandal sa sandalan nito.

Inis akong umupo sa swivel chair at inilapag ang libro at class record ko. Lumingon ako kay Leina na animo'y nakakakita ng eksenang sweet sa lapad ng ngiti nito.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon