Chapter 17

372 14 0
                                    

"We're here!" Anunsyo niya sa aking likuran. Hinapit niya ang bewang ko at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Ramdam ko ang kanyang dibdib sa likod ko. Napaayos ako ng tayo nang maramdaman ko ang paru-paro sa tiyan ko. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko.

A small touch of him makes my heart and nerves go wild. Nakakaparanoid.

"Anong gagawin natin dito ulit sa bungalow house mo?" Tanong ko. Napaamang pa ang bibig ko pagkatapos.

Dito ba ulit kami magdedate? Hindi naman ako tipong maangal na tao. I appreciate a things that put a lot of efforts.

"A usual Ricka" bulong niya sa tenga ko. Nagulat ako nang kinagat niya iyon. Halos mapalayo na ako sa kanya dahil sa ginawa niya.

Irita ko siyang nilingon.

"What the hell!?" Napahawak pa ako sa tenga kong kinagat niya.

Ngumiti lang ito at lumapit sa akin. 

"You'll get used to it Ricka" kumindat siya at inakbayan ako.

Nagsimula kaming maglakad patungo sa pinto ng bahay niya at binuksan iyon. As usual, his house's  scent is the same as his scent.

Masasabi mong sa kanya talaga 'to.

Nadismaya ako nang bigla siyang bumitaw sa pagkakaakbay ko.

'Wow! You'll get used to his actions Ricka! Pati pag-akbay, nasasanay ka na' sabi ng isipan ko.

Napabuntong-hininga ako at umupo sa couch.

"Stay still. I'll changed a clothes" sabi niya. Hindi ko siya binalingan ng tingin ngunit tumango na lamang ako.

Narinig ko ang yabag niya papalayo sa akin hanggang sa may narinig akong pagbukas-sara ng pinto. Probably his room's.

Lumilinga ako sa paligid at sumandal. Ipinatong ko ang aking sling bag sa hita ko.

Nilalaro ko ang zipper ng sling bag ko habang lumilinga sa kabuuan ng bahay niya. Hindi siya maliit, hindi rin naman malaki. Sakto lang.

I wonder kung dito ba siya palaging natutulog? He has a parent, a sister or brother, baka hinahanap siya nito.

"I'll cook" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Irvan.

Napatingin ako sa kanya. He is wearing a white sando and pajama. His muscle is well-defined. Napalunok ako nang tumingin siya sa akin, tumaas ang isang kilay niya.

"You're drooling babe" napakurap-kurap ako at umiwas ng tingin. Tumayo ako at inilapag ang sling bag sa couch.

Inayos ko ang suot kong uniform saka siya nilapitan. Naramdaman kong pinapanood niya ang ikinikilos ko kaya mas lalong hindi ako makatingin sa kanya.

"Ako na ang magluluto" sabi ko. Nasa kusina ang paningin ko.

"You sure?" Tumango ako. Nakita ko sa pheripheral vision ko ang pag-alis niya sa harap ko.

Napahinga naman ako ng maluwag. Kanina pa ako kinakabahan sa presensiya niya. But sige, masasanay rin ako. After all, he's my boyfriend.

Napangiti ako sa kawalan. Akmang lalapitan ko na sana ang refrigerator  para tingnan kung anong available na pagkain ang nandoon nang maramdaman ko ulit ang pagpulupot ng mainit na braso ni Irvan sa bewang ko.

Napatda ako at hindi makagalaw. His strong arms enveloped my small waist. Nagsasayawan ang mga paru-parong kanina ko pa naramdaman sa tuwing lumalapit siya sa akin.

This is not a first time I felt it. Halos araw-araw. Kapag lalapit siya, hindi ako makagalaw at hinahayaan siyang manipulahin ako. Well, it's because I love him.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon