Chapter 28

345 9 0
                                    

"I'm sorry babe. Hindi na ako nakapagtext sa'yo. I thought you're okay-" napahampas ako sa mesa.

"Magmula ngayon, magtetext ka sa akin kung ano ang ginagawa mo! Hindi iyong nagpapakatanga ako kakahintay sa'yo na pupunta ka rito!" Sigaw ko.

Napakamot siya sa kanyang batok.

"Y-yeah. I understand. I'm sorry babe" paghingi niya ng paumanhin.

Pinaikot ko ang aking mata sa harapan niya. Kanina pa siya explain ng explain sa akin na busy siya sa dalawang araw na'yon. May investors raw tsaka pumunta rin sila sa site nila. Wala raw siyang panahon na hawakan iyong cellphone niya sa mesa. Pero si Angel, nakaya! Ano iyon? Biro o talagang nagsisinungaling?

Kanina pa ako irap ng irap sa kanya. Explain naman siya ng explain sa akin.

"I'm sorry babe" malungkot ang mukha na sabi niya.

Tumaas ang isang kilay ko.

"Then explain to me kung bakit si Angel ang sumagot sa tawag ko?" Mataray na tanong ko.

Napansin ko naman ang pagsilaw ng ngiti niya ngunit kaagad naman iyong nawala. Mas lalo kong itinaas ang aking kilay. Yung umabot na sa noo. Ganun.

"Are you jealous babe?" Nanunuksong tanong niya.

"Oo! Nagseselos ako! Bakit? May magagawa ka ba na mawala ito?!"

Tumikhim naman siya at umayos ng upo.

"You're getting mad at me babe. Wala naman akong-" sumapaw na ako.

"Magagalit talaga ako kapag hindi ka nag-eexplain sa akin kung bakit magkasama kayo kahapon ni Angel. Siya pa nga ang sumagot sa tawag ko" mapait na saad ko.

Napakurap siya.

"Promise me babe, huwag kang magagalit sa sasabihin ko" mahinahong sabi niya. Nangunot ang noo ko. Bigla namang uminit ang aking dugo. Baka talaga nagkabalikan sila!

"Ano!? Nagkabalikan na kayo!? Hihiwalayan mo na ako!?" Sigaw ako ng sigaw. Kung nag-eeskandalo man ako, then sige na. Napapraning ako masyado sa revelation na sasabihin ni Irvan. Para akong mahihimatay. Tumataas ang presyon ko.

Iling lang ng iling si Irvan. Hindi naman siya makapali sa kanyang kinauupuan.

"Angel is my new secretary" napapikit ako sa inis. Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Bigla nalang kasing nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. So, ibig sabihin magkakasama sila araw-araw? Parang gusto ko ng umiyak sa harapan niya.

"Babe. Nag-apply siya bilang secretary ko. My former one was pregnant, 4 months na. She resigned. Tapos si Daddy, inerecommend niya si Angel na maging secretary ko. I have no choice" doon na ako dumilat. Wala na bang ibang rason para maniwala man lang ako ni isang katiting man lang!?

"Marupok ka rin noh?" Sarkastikong saad ko.

Napahinto naman siya.

"Babe" tawag niya. Umiling ako.

"Sige. Dahil secretary mo na ang ex mo, wala na akong magagawa. Nirecommend naman iyan ng Daddy mo 'diba?" Paniniguro ko. Pero mababakas sa boses ko ang sarkastiko.

Dahan-dahan naman siyang napatango.

"Y-yes babe. Don't get mad at me ha. I will make up to you. Anong gusto mo?  Date tayo? Or movie date? What else?" Pinagmasdan ko lang siya habang sinasabi niya iyon sa akin.

Paano niya naaatim na maging kalmado sa kabila ng pagseselos ko? Mag-ex iyon, kasama na ngayon sa trabaho. Iniisip ko palang na nagngingitian sila, para akong mapapraning. OA ako masyado. Inaamin ko. Pero hindi ko maiwasang mag-isip ng ganun dahil may nakaraan silang dalawa. At hindi imposibleng magkabalikan man sila.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon