"Masarap?" Bagot akong tumingin kay Irvan na ngayo'y nakangising tumingin sa akin habang kumakain ako.
Ang ayoko sa lahat ay tinitingnan ako habang kumakain. Nakakailang.
"Kumain ka rin para malaman mong masarap ba talaga ang niluto mo" pabalang na sagot ko.
Masarap ang adobo na niluto ni Irvan kanina. After he harshly kissed me, he really had the guts to say that he will cooked a delicious food for me.
Hindi man lang nailang o ano. Kapal talaga ng mukha! Manyak pa! Nadagdagan ang inis ko. May palaman-laman pa siyang manliligaw siya sa akin. Pipigilan ko talaga ang lalaking ito sa binabalak niya.
"I already tasted it Ricka. But I want your answer" itinagilid niya ang kanyang ulo.
Totoong masarap talaga ang kanyang nilutong adobo. I can't deny it. He has a skill of a cooker. Pwede siyang maging chef. But I cannot jump into conclusions, baka ito pa ang putaheng napag-aralan niya.
Napangisi ako.
"Why are you smiling?" Nangungunot ang noo niya.
Napatigil ako. Umayos ako ng tayo at binitawan muna ang kutsara.
"Masarap ang adobo mo Irvan. Satisfied?" Sarkastikong sagot ko.
Para naman siyang matatawa sa akin. Umismid ako at umiling na saka nagpatuloy sa pagkain. Ayokong masayang ang kanin sa plato ko kaya uubusin ko ito.
"You're so bad Ricka. Very bad" nakangising sabi nito. Nangunot ang noo kong napatingin sa kanya.
"Pinagsasabi mo diyan?" Sumubo na ako hanggang sa matapos na ako sa pagkain. Hindi ko na narinig magsalita si Irvan sa harapan ko. Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay tumayo na para ligpitin ang mga platong nagamit namin.
Napaangat ang tingin ko sa kanya nang tumayo siya at siya na rin ang nagligpit ng mga ito.
"Ako na. You should-" pinandilatan ko siya ng tingin.
Siya na nga itong nagluto para sa amin. Siya pa itong maghuhugas.
"Ako na Irvan" madiing sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang batok at napasinghap pang tumalikod sa akin.
Nagpatuloy ako sa pagligpit. Bago ko pa siya nilagpasan para magtungo sa lababo ay narinig ko ang mahinang mura niya.
Napakunot ang noo ko at inilapag sa maliit na planggana ang plato. Nagsimula na akong hugasan ang mga plato. Sumilip pa ako kung saan ko iniwan si Irvan.
Tulala ito at nakahawak pa sa kanyang ibabang labi. Para bang may malalim siyang iniisip. Maya-maya naman ay ginulo niya na ang kanyang buhok. Pagkatapos ay bumalik na naman ang kanyang daliri sa ibabang labi niya.
Ano na naman ang nasa utak ng lalaking ito? Napailing ako at nagpatuloy sa paghuhugas hanggang sa matapos ako. Hindi naman marami ang platong hinugasan ko.
Pinahid ko ang basang kamay sa towel malapit sa refrigerator. Lumapit ako kay Irvan. Napansin niyang papalapit ako ay umayos ito ng upo at nakatingala sa akin.
Napatingin ako sa wristwatch. Laking gulat ko nang mag-aalas siyete na sa gabi. Dalawang oras na kaming nandidito?!
"Iuwi mo na ako Irvan" diretsong sabi ko. Pati rin siya ay napasilip sa kanyang wristwatch at ibinalik muli ang tingin sa akin.
Ngumisi lang ito at sinusuklay niya pa ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. Tumayo siya ngunit ang akala ko ay aalis na kami pero lumipat lang ito ng upo sa couch.
Uminit ang dugo ko.
"Ang sabi ko, uuwi na ako Irvan!" Inis na saad ko.
Lumingon siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...