Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ako makapali sa saang sulok ng bahay nina Leina. Para bang anytime ay biglang may hihila sa akin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na ewan.
"Alone?" Napatalon ako ng mahina nang may marinig kong familiar na boses sa likod ko.
Hindi ko na kailangang lumingon pa dahil alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Si Irvan.
Napairap ako sa kawalan nang maramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Nakita mo ba akong may kasama?" Sarkastiko kong sabi.
"Sungit" komento niya. Hindi nalang ako nagsalita pa.
"Didn't know that you're here. Bibigyan sana kita ng bulaklak" nakangiti niyang saad.
Nangungunot ang noo kong lumingon sa kanya. Nagtama ang mga mata namin.
"Para saan naman yang bulaklak? Mukha ba akong patay?" Pambabara ko. Kahit ito lang, hindi niya ako mahahalata sa panginginig ko. He's making me nervous.
"Magsungit ka pa. Mas ginaganahan akong manligaw sa'yo" hindi pa rin matanggal-tanggal ang ngiti sa labi niya.
Napatigil ako at napaisip. Manligaw? Are you even serious on what you are doing Irvan? Or you're just playing on me?
"Tigilan mo ang panliligaw mo Irvan. Wala iyang patutunguhan" sabay iling ko.
"I won't stop. You heard me. As long as I'm inlove with you, I won't stop on courting you until you're my girlfriend" napaawang ang bibig ko sa seryosong sabi ni Irvan sa harapan ko.
Did he just confess?
Biglang pumula ang pisngi ko at dumadagundong ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ganito.
"Irvan, you're just saying a stupid things-" naputol ang sasabihin ko nang tumayo siya habang hindi tinatanggal ang titig sa akin.
Napaangat ang tingin ko sa kanya.
"If you wouldn't believe me, I will make a way to reverse it. Mahal kita Ricka. Whether you like it or not, you will fall for me, you will learn how to love me, like I always do. Please don't say that. It breaks my heart" mahinang sabi niya. Bumikig ang lalamunan ko at hindi makapagsalita.
I'm gone speechless.
"You always say that I am a pervert, well I cannot deny it. That this pervert is loving you and willing to give his all" dagdag niya.
"I should try harder on courting you like I said. Aalis muna ako. Pag-isipan mo ang sinabi ko." Nilagpasan niya ako at umalis ng tuluyan sa tabi ko.
Napahinga ako ng malalim at yumuko. How can I let myself unlove you Irvan? I am hardly fall for you, lubog na lubog na ako.
But, I am not ready. Hindi pa ako handa. Natatakot ako.
Tumayo na ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko. I excused myself. Lumabas ako sa bahay nina Leina at sinagot ang tawag.
Lumilinga ako sa paligid ngunit hindi ko nakita kahit ang anino ni Irvan. Nasaan siya?
Itinapat ko ang cellphone sa tenga ko.
"Hello?"
"Ricka" napatda ako. Tinatawagan ako ni Irvan? Kakausap lang namin kani-kanina lang ah. Anong trip niya?
"Ano?" Nameywang ako habang nakatingala at pinanood ang nagsasayawang puno.
"I'm tired Ricka. I want to rest. You are my haven" inaantok na sabi niya. Narinig ko ang paghikab niya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...