Chapter 26

352 8 0
                                    

"Sumingkit yata ang mata mo ngayon Ricka? Umiyak ka ba?" Napalingon ako kay Mama nang tumabi siya sa pag-upo sa couch.

Sumimsim ako ng kape bago ako nagsalita.

"Hindi Ma. Matagal lang akong nakatulog kagabi" pagsisinungaling ko.

Impit akong umiyak sa kwarto. Walang tunog ang iyak ko nun. May naiisip na naman akong masama tungkol kay Irvan. At naiinis ako. Baka kasi nagsama sila ngayon ng ex niya.

Andami kong iniisip at lahat ng iyon ay gumugulo sa isipan ko. Napaiyak nalang ako habang sa nakatulog ako. Kahit na nagmessage siya sa akin, hindi ko maiwasang hindi mapakali kapag hindi pa siya nag-eexplain sa akin.

Hindi ko ramdam ang presensiya niya. Ni hindi ko ramdam ang yakap niya at ang pabango niya. Namimiss ko na siya.

Napanguso ako.

Nagising ang aking diwa nang itinulak ni Mama ang noo ko gamit ang hintuturo niya. Nanlaki ang mata ko. Napahawak ako sa noo.

"Ma naman!" Nanlalaking bulalas ko.

Umismid lang siya.

"Tulala ka na naman! Umayos-ayos ka nga Ricka! Malapit na ang seven oh! Malelate ka na naman sa ginagawa mo" sabi niya.

Bumalik ulit ako sa pag-inom ng kape. Hindi ko nalang muna siya papansinin at baka sesermunan na naman ako. Keaga-aga.

Napalingon kaming dalawa sa hagdan nang marinig naman ang yabag ng sapatos. Si Drew iyon na dala-dala ang kanyang briefcase habang tinutupi ang long sleeves niya.

Napatingin siya sa gawi namin. Ngumiti ito at lumapit sa amin. Nagmano siya kay Mama. Nginitian niya ako at umupo sa tapat namin.

"Oh, hindi ka ba magkakape Drew? Ang aga pa ah" sabi ni Mama.

Ngumiti lang siya.

"Huwag na Tita. Nauna na akong magkape kanina lang. May pupuntahan kasi kaming investors ngayon kaya kailangan kong mas maging maaga" tumataas-baba ang kanyang kilay pagkatapos.

Napatawa naman si Mama at inilapag ang kanyang tasa sa maliit na mesang nasa harapan namin.

"Mabuti ka pa at ang aga-aga mong pumasok. Hindi katulad ng anak ko, tulala lamang ang kanyang gagawin tapos malelate pa" pagpaparinig niya sa akin.

Umawang ang bibig ko at hindi nalang kumibo. Ayokong magsalita. Baka umabot pa sa panenermon si Mama.

Tumawa si Irvan.

"Ah HAHAHA! Hayaan niyo na si Ricka tita. Alam naman niya ang ginagawa niya" lumiit ang mata ko.

May maganda palang sasabihin ang bunganga niya.

Ininom ko na ang natitirang kape sa tasa ko pagkatapos ay kaagad akong tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig sa water dispenser.

Warm water lang yung kailangan ko ngayon. Ayoko munang uminom ng malamig na tubig.

Nakapameywang akong uminom ng tubig at inilapag pagkatapos ang baso. Napalingon pa ako sa gawi nina Drew nang lumingon naman ito sa akin. Kinuotan ko siya ng noo. Napansin ko ang pagtayo ni Mama at paglabas. Pupunta siguro iyon sa garden niya.

Lumapit si Drew sa akin. Dala-dala pa rin niya ang briefcase at nakatupi na ang kanyang manggas. Mas lalo siyang gumwapo sa suot na 'yan.

"Pahiram ng kotse mo" sabi niya.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Gagamitin ko muna iyon. Papasok ako" sabi ko. Ngumisi lang ito.

"Edi maghihintay ako. I only have 1 hour and 20 minutes para pumunta sa pupuntahan ko ngayon"

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon