Nanghihinang napatingin ako kay Leina na halos hindi na mawala ang lapad ng kanyang ngiti sa labi niya. Sana all nakakangiti ng ganyan. Ako kasi, ipinagkait pa sa akin.
Nagtatakang napatingin rin sa akin si Leina. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.
"What's with your face?" Tanong niya. Umiling lamang ako.
Inilapag niya sa kanyang mesa ang dalang bag saka umupo na rin kalaunan.
"Ang laki ng ngiti natin ngayon ah" puna ko. Nangingiti naman siyang lumingon sa akin.
"Eh kasi, I am so thankful today" sabi niya.
"Bakit?" Humarap ako.
"Dahil hindi na ako patitigilin ni Derek sa pagtatrabaho" masayang sabi niya. Napangiti ako.
"Good for you. Paano mo siya nakumbinsi?" Tanong ko.
Nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin at namumula pa ang kanyang mukha. Nangunot ang noo ko. Anong nangyari sa kanya?
"Hoy" tawag ko.
Nagulat siyang lumingon ulit sa akin.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Bulalas niya. Ako naman ang nabigla sa sinabi niya. Anong ginulat?!
"Hindi kita ginulat. Tinawag lang kita. Malay ko bang magugulat ka? Nagtatanong lang ako kung paano mo siya nakumbinsi, para namang kagulat-gulat yung tinanong ko sa'yo" litanya ko.
Napasinghap siya. Mukha naman siyang matatae na ewan. Nagtatanong lang eh. Ang hirap bang sagutin?
"It's just, ang green kasi kaya hindi ko masasabi sa'yo" saad niya.
Napairap ako at pabagsak na sumandal sa sandalan ng inuupuan kong swivel chair.
"Jusko! Ngayon ka pa mahihiyang sabihin sa akin! Open-minded ako! So, ano? Huwag mong sabihing.." Hinuhuli ko siya. May namumuo kasi sa isipan ko kung paano niya nakumbinsi si Derek ng ganun-ganun lang. Knowing him, hindi talaga nababali ang rules niya. Kaya alam kong may duming ginagawa ang babaeng ito. Her actions are very transparent.
Nakita ko namang natataranta siyang tumingin sa akin.
"You know Ricka, we make l-love tapos ayun, I r-ride him. Gusto niyang ipasok ko na but you know I t-tricked him" napangisi ako. Namumula naman siyang isinalaysay iyon sa akin.
"I tell him that I will do it once na bawiin niya yung sinasabi niyang patitigilin niya ako sa trabaho and I succeed. Ganun yung nangyari. Satisfied?" Napatango-tango ako. Namumula pa rin siya hanggang ngayon.
"Mahirap bang sabihin iyon?" Nanunuksong tanong ko. Mas pumula naman ang mukha niya at napaiwas ng tingin.
"Stop it!" May tinatagong ngiti sa labi niya.
Napailing-iling ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Marami-rami na ang mga estudyante ngayon.
"Ikaw? Bakit para yatang pinagsakluban ka ng langit at lupa ang mukha mo kanina?" Napalingon ako sa gawi niya.
"Wala. Naiinis lang ako kanina sa bahay" napabuntong-hininga ako.
Nagtatakang napaayos naman siya ng upo.
"Why? Nagkasagutan kayo ni Tita?" Tanong niya.
"Not likely pero masasabi ngang nagkasagutan" sagot ko.
"Why? May ginawa ka na naman ba?" Wow! Porket nagkasagutan, ako na ang may ginawang mali?
"Eto kasing si Rina, sumali sa kandidata-kandidata ng school nila"
BINABASA MO ANG
Loose of Chains [COMPLETED]
RomanceRicka Inocencio is a certified NBSB. Ni walang isang lalaking nagkamaling pumatol sa kanya. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili niyang tatanda siyang dalaga. Itinatak na niya iyon sa buhay niya. Not until she meet Irvan Villalobos, the certified p...