Chapter 16

416 11 0
                                    

Maagang-maaga pa lang kinabukasan ay agad akong nagtungo sa bakeshop para bumili ng pandesal at tinapay.

Tulog pa kasi si Kuya, magdamag itong nagmomovie marathon kagabi kaya napuyat. Ganun rin sina Mama at Rina. Halos ako na ang nagdidilig ng halaman niya at nagluluto ng ulam at kanin.

Alas singko pa naman ng umaga kaya medyo napaaga ang gising ko. Alam niyo na, blooming masyado.

Nakangiti pa akong tinatahak ang daan patungong Rose Bakeshop. Malapit lang namin naman iyon sa amin.

And kung tatanungin niyo kung anong nangyari kagabi pagkatapos kong sagutin siya ay inexplain niya kaagad ang nangyari kanina sa office. Nabasa raw yung pants niya ng juice dahil aksidenteng natapon ng secretary niya yun.

Hindi naman ako nagalit o ano, sadyang nahihiya talaga ako. Although, manyak siya tanggap ko naman siyempre, mahal ko eh.

But ayun nga, masyado akong nahiya nang imention niya pa yung paghubad ng pants niya habang katawagan niya ako. Yung feeling na umiinit ang pisngi mo. Ganun yun.

Ibinalita kaagad ni Irvan ang relationship namin, kina Mama, Rina at Kuya. Halatang hindi naman sila nagulat nang sabihin iyon ni Irvan.

They expected so much from us. Sabi pa ni Mama, nagpapakipot raw ako kaya natagalan ng dalawang linggo ang panliligaw niya.

Like hello, para sa akin, ang dali lang nung dalawang linggo. Gusto ko pa nga sanang tagalin iyon ng dalawang buwan but my heart and feelings betrayed me. Mahal ko talaga si Irvan.

Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at namili ng mga tinapay na walang palaman.

"Limang pirasong star bread po" sabi ko. Tumalima naman kaagad ang tindera. Pagkatapos ay ibinigay ko kaagad ang bayad.

Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Mama na humihikab pa habang nag-iinat ng mga braso niya. Pumasok ako at inilapag sa mesa ang tinapay na binili ko.

"Aba! Himala! Mas nauna pang gumising kaysa sa akin" bungad ni Mama sa akin.

Pikit-mata pa ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Kinukusot-kusot niya naman ito at sinabayan ng hikab.

"Hindi ako puyat katulad niyo po" ngisi ko. Umismid si Mama at umiiling-iling na lumapit sa akin at kumuha ng tinapay.

"Puyat? Baka ikaw Ricka. Hindi mo maalis-alis sa isipan mo ang pagsagot mo sa kanya kaya mas maaga ka pa nagising kaysa sa akin" sabi niya.

Totoo naman na hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip ko sa kanya pero hindi ko namalayan ang oras kung kailan ako nakatulog. But I'm sure na mas ako pa ang naunang natulog kaysa sa kanilang tatlo.

Nagpupuyat ang tatlo dahil friday ngayon. Pinayagan naman si Rina dahil wala namang klase raw.

Nagsalin ako ng mainit na tubig sa tasa ni Mama at ibinigay iyon sa kanya. Inilapit ko na rin sa kanya ang kape at asukal.

"Mas maaga nga akong natulog kaysa sa inyo Ma" napakamot nalang ako sa likod ng aking tenga dahil alam kong hindi pa rin magpapaawat ang isang 'to.

"Sabihin mo, maaga kang pumunta sa kwarto at iniisip mo pa rin si Irvan" oh diba? Talo na kaagad ako pagdating sa pagdedebate ni Mama.

Huminga ako ng malalim at umupo.

"Kumain nalang kayo Ma" malumanay na sabi ko.

Napalingon si Mama sa akin kaya napatigil siya sa paglalagay ng kape sa kanyang tasa.

"Ikaw Ricka, pag inalok ka ni Irvan ng kasal, huwag muna ha" umupo siya sa tabi ko at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Kumunot ang noo ko.

Loose of Chains [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon